Chapter 173: New Boothcamp

4K 386 168
                                    

Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20

Votes, comments, and sharing the story are highly appreciated. Thank you.

PINAGMASDAN ko munang makaalis ang sasakyan ni Kuya Brooklyn bago ko pinagmasdan ang buong paligid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PINAGMASDAN ko munang makaalis ang sasakyan ni Kuya Brooklyn bago ko pinagmasdan ang buong paligid. Natural na malamig ang simoy ng hangin dito sa Tagaytay pero ang ganda rin nitong subdivision kung saan located ang boothcamp namin.

Mapuno ang paligid at maraming nag-gagandahang mga bahay. Malapit din ang Villa Pura sa main road at malls dito sa Tagaytay kung kaya't may mga gagalaan din naman after practice.

I pressed the doorbell at hinintay na may magbukas ng gate. "Sino 'to?" I heard of familiar voiced mula sa speaker sa doorbell. "Kung hindi ko 'to kumare ay huwag ka nang pumasok."

"Baliw ka, Oliveros. Pabuksan ng gate please." Pagkausap ko sa kaniya. Grabe, hindi ko in-expect na ibang mas maaga sa akin na makakarating dito. Sa bagay, ilang oras din ang biyahe mula Bulacan papunta rito sa Tagaytay kaya medyo late din ako nakarating.

Also, medyo nakakapanibago dahil mag-isa lang ako ngayon dahil madalas ay kasama ko si Dion. If kasama ko si Dion ay baka pinilit ko siyang mag-commute kaming dalawa papunta rito. Pero siyempre, magkaiba kami ng priority ngayon, I also need to learn to grow alone. Hindi 'yong nakadepende ako lagi kay Dion.

"Kumare ko! Kanina pa kita hinihintay! Nauumay na ako sa mukha nitong si Noah, nakaka-badtrip pala habang tumatagal." Bahagya akong natawa sa sinabi ni Oli. He is still a ball of sunshine na puro positive energy lang ang nire-radiate. "Lumabas na si Kuya Sandro. Wait ka lang daw saglit."

Halos isang minuto lang ang lumipas ay narinig ko na ang pagbukas ng gate. Tumambad sa akin si Sandro at tinulungan niya akong dalahin ang aking mga maleta at duffle bag. "Umalis na 'yong mga kuya mo? Hindi mo man lang pinapasok sa loob?"

"Oo, may lakad pa daw sila." I lied.

Father Chicken smirked. "Weh? Sabi sa akin nila Noah at Oli may pa-powerpoint presentation ang kapatid mo tuwing first day." Daldal talaga ng mga 'yon kahit kailan.

"Hay naku, buti na lang at hindi mo talaga nasaksihan dahil isa ka pa naman grabe sa mang-asar." Reklamo ko at natawa si Sandro sa akin. Doon pa nga lang sa paggawa ng video sa Lemon Cola ay ilang araw niyang tinukso sa akin 'yon! Ang hirap talga kapag may pinopromote kang item.

Pagpasok pa pamang namin ay malawak na field na ang sumalubong sa amin. Sa right side ay may kubo na may katabing puno ng mangga kung kaya't malilim. Sa left side naman ay malawak na bermuda grass lang para yata makapaglaro or makatambay din. Sa gitna ay isang ancestral house at gawa sa kahoy ang karamihang parte ng bahay na ito. It was a nice old vintage house na na-preserve.

Dito ko masasabi na mayaman nga sila Mister Chan. Take note, hindi nila 'to main house. Bahay-bakasyunan lang nila ito sa Tagaytay na ginawang boothcamp.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now