Chapter 190: Against the Pioneer

5K 387 114
                                    

X: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!

If you could promote Hunter Online in any social media platform, it will be a great help. 🥹

KABA ang nararamdaman ko sa mga oras na ito dahil ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang interview sa amin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KABA ang nararamdaman ko sa mga oras na ito dahil ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang interview sa amin. Kasama ko sa interview na ito sina Kurt, Choji, Thaddeus, at Sandro (mga dating Captain noong Season 4 tournament) upang magbigay ng pahayag sa ginagawa naming preperasyon sa season 4 tournament.

Malalim ang buntong hininga ko dahil hindi ko alam ang maaaring itanong ng press people. Baka mamaya ay ungkatin nila ang naging issue naming dalawa ni Thaddeus. I mean, we can explain the thing that happened kaso ang awkwards... also, it is something na hindi naman na kailangan malaman ng publiko.

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Sandro. Umupo siya sa tabi ko at inalok ako ng biscuit na kinakain niya.

Sanay naman ako humarap sa mga tao at sa mga press pero iba 'yong kaba sa pagkakataong ito.

"Puwede naman natin sabihin kay Coach Russel na hindi mo kaya kung hindi ka pa ready." Dugtong pa ni Sandro.

"Dapat kayanin ko," I answered. "We will represent our country para sa isang international tournament. Kung hindi ako sasagot ay baka hindi natin makuha ang suporta na hinihiling natin sa gaming community sa bansa natin."

Tumingin siya kay Thaddeus. "Mukhang ready rin 'yong na-busted." He laughed. "Pero tama 'yan para matigil na rin 'yong mga ma-issue sa inyong dalawa ni Thaddeus."

Naputol ang pag-uusap naming dalawa ni Father Chicken noong pumasok na sa waiting area si Coach Russel. He looked at us. "Be ready, 20 minutes ay sasalang na kayo. Please remember na maraming tao ang makakapanood ng interview na ito."

Ang interview na ito ay mapanonood sa mga social media account ng Hunter Online Philippines kung kaya libo-libo talaga ang makakakita. This will be the last interview bago kami lumipad papunta sa Singapore para sa actual tournament.

"I know you guys are doing this for quite some time already. Pero ipapaalala ko pa rin sa inyo na i-avoid ninyo ang kahit anong racist words, derogatory words na maaaring ikasira ninyo sa publiko, okay?" Coach Russel reminded us.

"Yes, Coach." Sabay-sabay naming sagot.

"They gave us a copy ng mga default na itatanong sa atin ng press. Usually tungkol ito sa preparation natin sa Yugto Pilipinas kung kaya't pag-isipan ninyo na ang isasagot ninyo para hindi na kayo nagba-buffer sa mismong interview." Sabi ni Coach Russel at may kinatikot siya sa kaniyang cellphone. "I already sent the questions to our GC, kindly check."

"Received, Coach." Captain Choji answered.

"Pero may mga tanong ang ibang press people na wala sa script, be ready na lang din." Tumingin sa amin si Coach Russel, particularly sa aming dalawa ni Thaddeus. "Kaya ninyo na ba? Milan? Thad? Baka pag-initan kayo ng mga ibang media roon para makakuha ng possible headline."

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon