Chapter 107: Unexpected News

7.6K 748 443
                                    

FRIDAY, maaga pa lamang ay hawak-hawak ko na ang bond paper na script ko for the opening sa Hunter Online Tournament sa university namin

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

FRIDAY, maaga pa lamang ay hawak-hawak ko na ang bond paper na script ko for the opening sa Hunter Online Tournament sa university namin. I am doing a last-minute proofreading dahil baka may mga maling grammar or medyo off na sentence. I don't want to get bash on social media dahil lang hindi nila na-gets 'yong context nang sinasabi ko.

Bumaba ako sa dining area at naabutan ko ang dalawa kong kapatid na tutok sa kanilang mga laptop. Hindi ko gets kung bakit ang luwag ng mga boss nila at ang dalas mag-work from home nitong dalawa, they only go to their work offices once or twice a week.

"Anong binabasa mo?" tanong ni Kuya London—ang pinaka tsismoso sa lahat ng mga tsismoso.

"Speech for later event." I answered at kumuha ako ng toasted bread pero ang mata ko'y nakatutok pa rin sa bond paper.

"Ano?" Ulit ni Kuya na hindi narinig ang sinabi ko.

"Speech kako para sa tourna—"

"Anong pakialam ko." Tumawa si kuya habang napailing na lang si Kuya Brooklyn sa kaniya. Kahit kailan talaga! Kahit gaano kaganda ang gising ko sa umaga, kayang-kaya sirain iyon ni Kuya London in a snap. Oo, ganoon walang kakuwenta kausap itong kapatid ko.

I sighed. "Alam mo, Kuya. Kung wala kang sasabihin matino, itikom mo na lang 'yang bibig mo." Reklamo ko.

He just mimicked my expression and drink his coffee. Ugh, epal kahit kailan.

"Ang aga-aga, nag-aaway na naman kayo." Sabat ni Kuya Brooklyn at mukhang may tinatapos siyang report in his excel file. "Ikaw, London, nailabas mo na ba si Forest sa garden para mapatae? Kapag may ihi at tae na naman sa sala ay papadilaan ko sa 'yo 'yon." Ininis ko si Kuya London using my expression.

"Kuya! Kumakain ako wala man lang pasintabi." Reklamo ni Kuya London habang tinuturo ang toasted break sa plate niya.

"Excuse me, kapag may nakita akong tae ni Forest sa loob ng bahay, ipapadampot ko sa 'yo. Ayan may pasintabi na." Kuya Brooklyn said while still focused on the report that his finishing.

Padabog na inatras ni Kuya London ang upuan niya at tumayo. Mabibigat ang hakbang ni Kuya London palapit kay Forest. "Nagdadabog ka?" tanong ni Kuya Brooklyn at napapangiti ako.

"Hindi, Kuya, parang may magnet 'yong sahig kaya ang bigat ng hakbang ko. Kailan ka babalik sa New Zealand?" Kuya London asked pero hindi na siya pinansin ni Kuya Brooklyn.

Madalas man kaming magbardagulan ni Kuya London pero parehas kaming tiklop kapag si Kuya Brooklyn na ang nagsalita. Iba talaga ang power na ibinibigay ng mga parents sa panganay. Well, we need to follow Kuya Brooklyn's house rule (And trust me, he even presented that to us ng naka-powerpoint!). Si Kuya Brooklyn kasi ang incharge sa pagbabayad ng Kuryente, Internet, at Grocery... so he is really the ruler of this house.

Bumalik si Kuya London matapos ang ilang minuto, noong nasa likod siya ni Kuya Brooklyn ay dinilaan niya pa ito pero noong lumingon si Kuya ay mabilis itong napalitan ng matamis na ngiti. "Tapos na Big brother. Two points sa 'yo, dami mong utos."

Hunter Onlineحيث تعيش القصص. اكتشف الآن