Chapter 53: Homely

10.5K 1.2K 504
                                    

"AND we are here

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"AND we are here." Sabi ni Dad. Wow, ilang weeks lang ako nawala sa bahay pero grabe ang pagka-miss ko rito. Na-miss ko 'yong cozy feeling kapag nasa kuwarto lang ako.

Na-miss ko 'yong nakahiga lang ako sa kama, nagbabasa ng libro tapos may hot choco na nakapatong sa mini cabinet. Oh God, ganoong klaseng pahinga ang gusto ko after a long week. Ang daming nangyari sa nakaraang linggo but I don't have any choice but to move forward.

Someday, alam kong maiintindihan nila Oli kung bakit kami umalis ni Dion. Bumaba ako ng kotse para buksan ang gate. Sakto naman na lumabas si Kuya London ng bahay. "Nandiyan na pala ang kapatid kong hindi na professional player." he smirked.

Nilakihan ko ang bukas ng gate para makapasok ang kotse. "Alam mo, epal ka. Kakarating ko lang ay nambubuwisit ka agad, wala man lang I miss you." I rolled my eyes.

"Utot mo." he answered at nakita niyang lumabas si Dion sa kotse. "Hey bro, na-miss kita! Long time no see."

Si Dion ang nagdala ng maleta namin papasok sa bahay. "Nahihiya pa rin ako." bulong niya.

"Baliw, si Dad ang nag-invite sa 'yo rito." Sinamahan ko si Dion sa guest room kung saan siya mag-i-stay. "Ome week ka lang naman dito, uuwi ka rin naman ng Nueva Ecija."

"Awit, excited siyang umalis ako." Naiiling na sabi ni Dion.

"Eh, ano ba? Sabi mo naman talaga one week ka lang rito." binuksan ko ang ilaw at mukhang nalinis naman ang guest room. "Kung gusto mong mag-stay nang mas matagal e 'di mag-stay ka. Hindi ka naman itataboy ng pamilya ko."

"Alam mo, ang OA nang hospitality ng pamilya mo," umupo siya sa kama at tinanggal ang kaniyang relo. "Siguro kapag may nagnakaw sa inyo, baka buong puso ninyo pang tatanggapin. Baka pakainin ninyo pa."

"Nakakatawa 'yon?" I asked.

He just chuckled. "Ah, ngayon lang nag-sink in sa akin na wala na talaga ako sa Battle Cry." he said habang nililibot ang tingin niya sa kuwarto.

"Ang late laging nagsi-sink in sa 'yo ng mga bagay-bagay. Kahit noong umalis si Axel."

"Kailangan ko kasing ma-experience muna first hand bago ako maniwala na nangyayari na talaga." he explained. "Baka maglaro ako mamaya, magpapa-level ako sa game."

"Sama ako!"

"Hindi po puwede," umiiling niyang sabi. "Wala ka pang nababasa doon sa mga pinrint mo noong nakaraan. 'Di ba kailangan mong mag-aral para kamo sa pasukan mo?"

"Oo nga pala." Sa totoo lang ay na-miss ko ng maglaro ng Hunter Online. I mean, last week ay buong linggo akong naglaro pero tournament naman iyon; may pressure.

Gusto kong maglaro naman ulit ng chill lang. 'Yong walang pressure iyakan kapag natalo.

"Mag-review ka muna." sabi niya sa akin at ibinagsak ang katawan sa kama.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now