Chapter 137: Orient Crown VS. Daredevils II

3.9K 388 109
                                    

Twitter hashtag #HunterOnline or you can mention me to read your reaction @reynald_20

Twitter hashtag #HunterOnline or you can mention me to read your reaction @reynald_20

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MABILIS kaming tumatakbo nina Rufus (Dion) patungo sa may talon. Malayo pa lamang ay may mga naririnig na kaming ingay at pagsabog. Definitely ay may clash na nangyayari sa lugar na iyon.

"Uminom kayo ng potion habang tumatakbo tayo. Siguraduhin ninyong puno ang health bar ninyo pagkarating natin doon." Bilin ko sa kanila. May tubig nang umaagos at naririnig na namin ang lagapak ng tubig mula sa talon. It just means na malapit na kami rito.

[Orient Crown] Nodaichi (Larkin): Need assistance, limang members ng Daredevils ang nandito. 'Di ko alam kung kaya ko pa i-hold.

[Orient Crown] Knightmare (Noah): Nugagawen?

[Orient Crown] Nodaichi: Gagu. May special place ka na sa impyerno tanginamo,

[Orient Crown] Shinobi: Malapit na kami. Just hold it a little longer.

"Mauna na ako, Captain." Sabi ni Knightmare sa amin. "Kailangan ng unang backup ni Nodaichi. Vegas, paki-buff naman 'yong speed ko."

Mabilis naman itong ginawa ni Vegas (Callie) at hindi niya na biniro si Knightmare dahil alam niyang medyo crucial na ang situation ni Nodaichi. "That buff will only last for 30 seconds, simulan mo nang tumakbo paalis."

"Iyon, thank you." Nauna nang tumakbo sa amin si Knightmare.

Tinulungan ako nina Rufus at Vegas na makaakyat sa malaking tipak ng bato bago kami tumakbo muli patungo sa mismong labanan. "Sa lakas nang mga pagyanig ay paniguradong papunta na rin ang ilang members ng Daredevils doon."

"So, what's the plan?" Tanong ni Vegas sa pagitan nang kaniyang paghinga.

"Limang Daredevils ang katapat ni Nodaichi ngayon. We need to sneak in nang hindi nila napapansin. Also, we need to inform our team mates na pumunta rito to backup us." I informed him and he nodded. "Rufus, mamaya pagdating natin doon ay i-prioritize mo 'yong pinakamalambot na member nila. Huwag kang matakot na mag-risk play, may buff ako at si Vegas. Also, may pang-heal si Vegas, marami kang safety net."

"Yes, captain!" he answered.

Napatingala si Vegas at napatigil sa pagtakbo.

"Sandali!" Malakas niyang sigaw ngunit kasabay nito ay malakas na pagsabog ang aming narinig mula sa mabatong bahagi ng bundok na dinadaanan namin. Nakita ko na lamang na may malalaking debris ng bato ang bumabagsak tungo sa aming direction.

"Sa likod ko!" Vegas shouted, tumakbo kami ni Rufus patungo sa likod niya. His giant hammer became a huge shield na sumangga sa malalaking tipag ng bato na bumabagsak. Ambush? Paniguradong may mga kalaban sa paligid na alam kung saan kami tutungo.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now