Chapter 62: Charity Event

11.7K 1.4K 2.2K
                                    

ARAW ng Wednesday at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami tapos sa pagpa-pack ng relief goods

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARAW ng Wednesday at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami tapos sa pagpa-pack ng relief goods. Honestly, sobrang thankful ako kay Kuya London at kay Dion dahil sobrang hands-on nila rito.

Especially Kuya London, nightshift siya pero sinasakripisyo niya ang tulong niya sa umaga para makapamili ng mga kakailanganin. These past few days ay parang four hours na lang ang nagiging tulog ni Kuya, eh.

"Milan, ilang kilo ng bigas kada-relief?" Tanong ni Trace sa akin habang naglalagay siya ng instant noodles sa plastic.

"Dalawang kilo." sabi ko at nagpatuloy sa aking ginagawa. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil karamihan sa mga class mates ko ay nandito sa amin ngayon para tumulong.

Na-starstruck nga 'yong mga gamer kong kaklase noong makita nila si Dion. Can't blame them, Dion is really big when it comes to gaming industry. Thankful nga rin ako kay Dion dahil mas pinili niyang nag-stay dito ng mas matagal para tumulong, eh.

Baka kapag umuwi na agad si Dion sa Nueva Ecija ay baka super stressed kami ni Kuya sa pag-aasikaso.

"Almost buong summer vacation pala kayo magkasama noong cutie na 'yan?" Tanong ni Jennica na isa sa mga kaklase ko. Hindi siya mahilig sa gaming kung kaya't hindi niya rin kilala ang mga players. "Hindi ka man lang ba na-fall?" She giggled.

Tsismisan talaga ang past time namin para malibang kami sa pagpa-pack, eh. Pero hindi ko naman in-expect na mapupunta sa akin 'yong topic.

Napatingin ako kay Dion na nakikipagkuwentuhan sa mga lalaking kong kaklase. Noong nagtama ang mata naming dalawa ay itinaas baba niya ang kaniyang kilay at ngumiti.

Napailing ako at napabalik ang aking tingin sa mga kausap ko. "Hindi. Tsaka parang habang tumatagal, parang lumalabo 'yong chance na maging kami. Sobrang close na naming magkaibigan, eh." paliwanag ko sa kanila.

They all looked disappointed at natawa ako. "Bakla, tatlong major subject ang maibabagsak ko kapag hindi naging kayo. Umayos ka ng desisyon sa buhay. Wala ba talaga? Walang kilig?" Shannah asked at tutok na tutoknsa akin ang lahat.

Naglagay ang ng mga noodles sa plastic at inayos ang pagkaka-pack nito. "Siguro may mga times na kinikilig kapag nagiging gentleman siya. Pero parang ganoon naman sa lahat?"

"Kakapit ako sa kaunting kilig na 'yan. Feeling ko talaga siya na 'yong soulmate mo, eh. Ibang klase ninyo alagaan ang isa't isa. Pero heto, hypothetical lang, kapag umamin si Dion sa 'yo na gusto ka niya. Paano mo siya ite-take?" Feeling ko ngayon ay ginigisa ako nila Shannah ngayon.

Pero kasi... Ayokong ipilit na magustuhan ang isang tao dahil sa pagtukso ng mga tao sa paligid. But Dion is someone that I can comfortably hang around pero 'yong ite-take sa next level? Parang hindi.

Ilang segundo akong nakatahimik noong tinanong nila ako at mabuti na lang at nag-ring ang phone ko. Phew, Lifesaver.

Sandro 🐤 calling...

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon