Chapter 33: Preparation

11.3K 1.2K 799
                                    

MAAGA akong nagising ngayong araw para gawin ang everyday routine ko na jogging

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAAGA akong nagising ngayong araw para gawin ang everyday routine ko na jogging. Sadly, wala sa mga Battle Cry members ang gusto mag-jog sa umaga.

Sila Liu kasi ay nagba-basketball sa umaga sa malapit na court, alangan namang makipag-agawan ako ng bola sa kanila para pagpawisan. Si Renshi, sa hapon nagja-jogging dahil ayaw niya raw mainitan.

Kanila Oli at Gavin, wala na akong aasahan sa dalawang 'yon. Masyadong babad sa netflix kapag may freetime sila kung kaya't anong oras nang nakatutulog.

"Manang Martha, good morning. anong almusal ang gagawin ninyo?" Tanong ko noong makitang nagluluto sila sa kitchen. Naglagay ako ng tubig sa aking tumbler at inayos ang pagkakapuso ng buhok ko para hindi na siya makagulo sa pagtakbo ko.

The fact na naipupusod ko na siya, mukhang kailangan ko na ulit itong pabawasan since nasanay na akong short hair lang ang buhok ko.

"Spam with eggs, gagawa rin kami ng melon shake." She informed me.

"Looking forward for the breakfast later." I smiled.

"Magja-jogging ka?" Tanong ni Manang Martha at tumango ako. "Sige, mag-iingat ka, hija. Bumalik ka rin dito bago mag-alas otso at sumabay sa aming mag-almusal."

"Opo." Sagot ko at sa tapat ng boothcamp ay nagsimula na akong mag-stretching para maghanda sa pagtakbo.

Habang nag-i-stretching ako ay inalala ko rin ang mga itinuro sa akin ni Larkin kahapon. Honestly, ang dami kong natutunan kay Larkin at may mga technique siya na personal niyang ginagawa na shinare niya sa akin.

Nagpaalam lang si Larkin sa akin na ipo-post niya sa youtube channel niya 'yong tutorial na ginawa namin para raw maging guide sa mga aspiring Striker class. (Which is totally fine since ang laking istorbo ko kahapob sa kanya)

"Ganda naman noong nag-i-stretching." Biro ni Liu habang papalabas silang Boothcamp at pinapakaldag ang bola. Napailing na lang ako noong nag-cheer sina Kendrix na kasama niyang maglalaro. "Wala na, 'di na namin kailangan mag-breakfast."

"Bolero kang intsik ka." Reklamo ko sa kanya at natawa siya.

"Hindi mo kasama si Dion na mag-jog?" Tanong niya.

"Hindi naman nagja-jogging 'yon, eh." Which is true. Isang beses lang sumama sa akin si Dion at hindi na naulit. "Tsaka, bakit hinahanap ninyo lagi sa akin si Dmitri?"

"Angel's Burger kayo, eh. Buy one Take one. Kung nasaan ang isa, nandoon ang isa." Natatawang sabi ni Liu.

"Ewan ko sa 'yo, mag-basketball na kayo bago pa kita ipa-deport." Banta ko kay Liu at naglakad na sila tungo aa court.

Nagsimula na akong tumakbo at ang jogging ko this time ay mas malayo sa Boothcamp. Of course gusto ko rin ma-familiarize sa buong village para naman alam ko kung paano babalik sa Boothcamp. Luckily, hindi ganoon kahina ang utak ko para makalimutan 'yong mga dinaanan ko.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon