Chapter 160: Offended?

4.1K 339 50
                                    

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated.

NASA labas kami ni Dion ng bahay habang hinihintay namin si Clyde na daanan ako papasok sa school

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NASA labas kami ni Dion ng bahay habang hinihintay namin si Clyde na daanan ako papasok sa school. Sabi ni Dion ay hihintayin niya na raw ako makasakay bago siya lumabas ng village para maghintay ng bus papuntang Cabanatuan.

"Yabang, back to school ka na ulit." Dion smiled while looking at me. Bitbit na niya ang duffle bag at maleta niya na parang ready na ready na siyang umuwi sa Nueva Ecija. Sinabi pa nga ni Dad na kahit mag-stay siya rito ng ilang araw pero si Dion na rin ang tumanggi dahil may usapan din daw sila ng magulang niya.

"Nakakapanibago na nga sa feeling dahil ang tagal kong hindi pumasok sa school." Sagot ko sa kaniya. Mabuti nga at may nakahandang plantsadong uniform si Manang Tessa kanina paggising ko.

Bumaling na ulit ang tingin ni Dion sa poste. Sa totoo lang ay nahihiya ako para kay Dion dahil sa mga sinabi ng Tito ko sa kaniya kahapon. Sabihin man natin na okay na si Dion ngayon ay hindi pa rin tama ang mga sinabi nila Tito sa kaniya... especially kamag-anak ko pa sila.

Saka, hindi ko rin naipagtanggol si Dion dahil kami ang host ng family gathering kahapon. Ayoko naman din na masira sila Mom and Dad dahil sa sasabihin ko.

Bumaling ang tingin sa akin ni Dion. His brows crunched and he chuckled. "Anong tinitingin-tingin mo diyan? Wala akong tulo laway. Naghilamos ako kanina." Pagtatanggol niya.

"Sorry." I said to him.

"Sorry? Para saan?" Nakakunot pa rin ang kaniyang noo sa pagtataka. "Ahhh, tungkol pa rin ba kahapon? Sows wala na 'yon, sinabi ko naman sa 'yo ay hindi ko naman dinibdib iyon."

"But still they are my relatives. Hindi nila dapat sinabi sa iyo 'yon. I just want to introduce you formally as my boyfriend tapos kung ano-ano na ang sinabi nila." Parang bata kong nagsusumbong sa kaniya.

Bahagyang natawa si Dion at ginulo ang buhok ko. "Hindi mo naman din hawak 'yong mga lalabas sa bibig nila. Na-appreciate ko 'yong pag-introduce na ginawa mo." Siya rin ang umayos sa buhok kong ginulo niya. "They just want the best for you. Naiintindihan ko rin ang side nila."

"Sure you okay?" I asked once again.

"Oo nga. Kulet." He answered. Naputol ang pag-uusap naming dalawa ni Dion noong makarinig kami ng busina.

Binuksan ni Manang Tessa ang gate at lumabas ang sasakyan ni Kuya Brooklyn. Ibinaba niya ang window sa shotgun seat. "Ba't nandiyan pa kayo? Kanina pa kayo lumabas ah?" He asked. Kuya is just wearing a stripe polo at nakaayos din ang kaniyang buhok. Mukhang mag-go-golf na naman siya kasama ang mga boss niya.

"Hinihintay lang namin si Clyde, dadaanan ako papasok ng school." Sagot ko kay Kuya.

"Si Dion?" Kuya asked.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now