Chapter 3: Capture
"Sugar plumplum? Baby shaker? Honey pie?"
I thought they will not take that seriously. But here they are! Sineseryoso ang mga pinagsasabi ko nakaraan! Hindi ko naman crush yung lalaki. But now they're making code names, para daw ligtas kung pag-uusapan namin ang lalaki. Napakaraming alam!
"Ang babaduy niyo!" Ginulo ko ang buhok ko.
Inis akong umupo sa sahig nila Wynter. Napagyayaan kasi na after class, tumambay muna sa apartment nila. Magkasama sa iisang bubong sila Wynter at Juni, kaya parang iisa na ang takbo sa utak nila.
"Si debator!"
"That's too obvious, Juni." Niña chuckled.
"Ang bobo talaga nitong babaitang 'to. Debator, ang putek."
"How about tempo?" hindi talaga susuko si Juni hanggat 'di nakukuntento. "Tempo, short for extempo! He's Mr. Extempo for nothing." Iniling-iling pa niya ang hintuturo niya, while there's a proud smile plastered on her face.
"Itigil niyo na nga 'yan! Hindi ko naman gusto ang tao!" Naiisip ko pa lang na magkagusto sa iba, kinakalibutan na ako.
"'Di mo sure," tumawa si Wynter.
Dito na kami natulog sa apartment nila, tutal wala namang pasok kinabukasan. Ang dami naming ginawa sa isang gabi; nag-movie marathon, nag-away, nag-asaran, buti nga 'di kami sinuway ng mga kapitbahay.
Though, kahit magulo sila na parang nakawala sa hawla. I'm still happy that they make ways for us to be together.
"Next month, will be the intramurals--along with that, debut ko na!" Wynter sound so thrilled and excited.
Ang bilis talaga ng araw, na-jinx yata ang papetiks-petiks ko kaya lalo kaming tinatambakan! Paano naman kasi, we're still have schoolworks even on weekends, 'di na tuloy makapag-set ng gala si Wynter para sa amin.
If this is just a training ground for us... for sure mas mahirap sa college. Parang gusto ko na lang tuloy maging hotdog sa freezer.
"Last year pa pinagpaplanuhan 'yan, 'di ba?" As usual, we're at the canteen. Dalawa lang naman ang lagi naming pinagtatambayan, it's either dito o sa garden area sa tapat ng building namin. Pero minsan sa lakas ng amats ng mga 'to. Sa tapat ng classroom nila Wynter kami tumatambay!
Dahilan naman ni Juni, gusto niya lang daw masilayan ang crush niyang si Jameson, pero kapag nakikita naman si Ethane, halos ipagtulakan ako roon! Mabuti na lang laging walang pakielam ang lalaki, 'di ko nga alam kung napapansin niya kami.
Kulang pa rin kami, Marcus keeps avoiding us. Sinubukan ko naman na rin siyang lapitan ukol doon, but he also avoiding me. Nakatatampo tuloy. Kaibigan namin siya sa ilang taon, tapos sa hindi malamang dahilan lalayo siya?
Hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagtikhim ni Wynter. "Marcus, with a new set of friends..." kusa akong napalingon sa tinutukoy ng babae. Bumagsak anh balikat ko, when I confirmed that it's Marcus. May kasama siyang taga-ibang strand, mukhang pininindigan niya talaga ang pag-iwas sa amin
"Ano ba kasing nangyari?" 'Di ko na mapigilan at mainis na. They're too unfair! Wynter seems to know something, pero 'di man lang magawang sabihin.
YOU ARE READING
Lost, Lose (Loose Trilogy #1)
Mystery / ThrillerLost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everything will change because of that guy, who'll also change her perspective in life. Who'll go to fulfil...