Chapter 24

10.1K 198 21
                                    

Chapter 24: Fear

"Ang ganda mo talaga, Lissy."

Tita Deszerie praised me on how I look for this moment. Hanga rin ako habang nakatingin sa salamin. It feels unusual to see myself on this state. Ang mukha kong ngayo'y may kolorete.

Simple lamang ang ayos ko, yung tipong mangingibabaw pa rin ang natural na kutis ko. Pinatitigan ko ang sarili sa repleksiyon ko sa salamin.

More on eye make-up ang pinagtuunan ng pansin sa akin. Sa tuwing tititigan ko ang mga mata ko, bigla kong naalala si Papa. I got his eyes, ang mga mata niyang palaging nangingiusap. My lips were pink, and a bit glossy. Bale cool-tone make-up ang kabuuang ginawa sa akin.

Maaga pa lang pinuntahan na ako ni Tita Deszerie sa bahay upang maayusan. Mamayang alas quatro ang call time sa eskuwela, upang masimulan ang programa.

All the expenses regarding this look were shouldered by Tita Deszerie, isa rin talaga siya sa mga taong suportado sa pagsama ko sa social night bukod pa sa mga kaibigan ko.

"Ang ganda ng hubog ng mukha, puwedeng artista." I felt my cheeks blushed on how they praised my looks.

'Di kasi ako sanay sa ganitong bagay. I love being a girl that is not that known. Yung tipong hindi masyadong pinag-uusapan.

"Mabuti hindi mo rin pinapagupitan ang buhok mo. Ang haba! Puwedeng ibenta." I smiled a little on what the gay friend of Tita Deszerie stated.

Dati palang, palagi na ako sinasabihan ni Papa na huwag kong gugupitan ang buhok ko. Regardless my religion. Kahit si Mama noon ay hindi rin nagpapagupit ng buhok, subalit lumipas ang isang taong pagkakulong ni Papa, pinagupitan na rin ni Mama ang kaniyang mahabang buhok.

Sabi ni Papa sa akin, ang buhok kong ito ang sumisimbolo sa katatagan ko bilang isang babae.

Hindi na rin umangal pa ang kaibigan ni Tita, at pinakawalan na kami. Sinuot ko na ang dress na susuotin ko para ngayong araw. Inuwi muna ako ni Tita sa bahay upang doon makapagpalit.

Sakto at nandirito sa bahay si Mama. Hindi man lang niya kami nagawang lingunin, nasa kusina siya at naghahanda ng pagkain na lulutuin. Nasa bahay rin si Aling Jhoanna na kaibigan ni Mama.

"Ang ganda mo, Lissy." I gave Aling Jhoanna a sweet smile.

"Magbibihis lang po muna ako," paalam ko at sinulyapan ang gawi ni Mama, sunod kay Tita Deszerie, ngumiti siya sa akin.

Pumanhik na ako sa kuwarto upang makapagpalit ng damit. Tita Deszerie helps me with the changing of my clothes. Kumportable naman ako sa kaniya, dahil para na siyang ikalawang ina para sa akin.

"Bagay na bagay sa 'yo!" Pakiramdam ko pulang-pula na ang pisngi ko sa kapupuri niya. "Halika, pakita natin sa Mama mo." Parang teenager si Tita Deszerie nang hatakin niya ako papasama sa kaniya.

Somehow, it feels like this moment fulfilling something inside me. Pagkarating sa sala, may namuong kung ano sa loob ko.

Naabutan namin si Mama na nakadantay sa lamesa sa kusina, nakayuko siya. Kumurap ako ng ilang beses nang makita ang estado ng itsura niya. Hindi ko siya nakita sa mga nagdaang araw, sa kadahilanang palaging nagkakasalisi ang oras namin.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now