Chapter 37

5.8K 122 10
                                    

Chapter 37: Neglected

"May nawawala raw na answer key."

"Weh, sa anong year daw?"

"Senior, badly grade 12 pa."

"Grabe namang, kaduyaan! Kung sino man 'yon. Dapat makonsensya," untag ni Juni na kinasanggayunan naman ng mga kaklase ko.

Kalat nga iyon sa campus, dahil kahit pagkapasok ko kanina... tila iyon ang naging almusal ko dahil iyon ang bumungad sa akin. Katabi ko si Josaiah, na tahimik lang na nagbabasa ng libro namin sa Community Engagement. May quiz daw kasi. Si Marcus naman, pinatawag sa announcement booth. Though, lahat naman ng class representatives. Laging ganoon ang ginagawa.

"Bakit wala ka yatang pakielam sa mga kaganapan ngayon?" I ask Josaiah. Hindi naman kasi siya ganito, usually siya pa ang unang nagpapakalat ng chismis.

"Well, this one is controversial." Saglit niyang binaba ang librong hawak niya.

Tumikhim ako. "Edi ayaw mo madamay?"

"Of course. But as long as it's not our section, then I'm competent about that." He cooly said.

Naiintindihan ko naman siya. Kahit ako rin naman, ayaw ko rin madawit. Sino ba naman ang gustong madawit? But this will affect the integrity of the whole campus. Kasalanan ng isa, damay ang lahat. After all, that's a form of cheating.

Bigla namang tumahimik ang paligid, kaya lumingon ako sa pintuan, inaasahan na ang teacher namin sa Philosophy ang bubungad. Bumalik ako sa upuan ko. Hindi ko mapigilang mapatingin sa gawi ni Amari. Simula noong sabay-sabay kaming kumain sa restaurant ni Ethane, parang naging palagi na siyang tuliro. Nagkibit-balikat na lamang ako at nakinig sa lecture ng aming guro.  

Sa sumunod na araw, the cheating case became a hot controversy. They slowly formed a lead on who it was. Instead of focusing on some reports, our surroundings are just full of gossip about the formed issue.

Kaya noong pinatawag kami ng adviser namin, may namutawing kaba sa dibdib ko. There's something wrong.

Inilibot niya ang mga mata niya sa amin she look so furious. Tuloy, parang illegal na gumawa ng kahit anong ingay.

She breathed heavilly, and seeing Ma'am Lorey acting this way, somehow built a conclusion that she knew who's to blame.

"For goodness. Section 1 kayo. Sinisira niyo ang reputasyon ng eskuwelahan na 'to." Napapikit ng mariin ang adviser namin. She looked so stressed. While me, I'm still wondering who it was.

Tila malaking palaisipan ito sa amin. Lahat kami ay tahimik lamang, habang tinatanggap ang galit sa amin ng guro.

"Lisianthus Yvonne Vezina."

Hirap akong lumunok, habang diretsong nakatingin sa guro na hindi maipinta ang ekspresyon. Parang huminto ang paghinga ko nang marinig ko ang ngalan kong lumabas sa bibig ng guro. All of their eyes turned to me--I know what does their stares means... puno ito ng panghuhusga. Ngunit ako'y naiwan pa rin sa pagtataka.

"Follow me to the President's office."

Ang bilis ng puso ko. Parang ang bilis ng pangyayari. Hindi ako makatayo sa kinauupuan ko, dahil sa takot. I know it's not me. But why I'm the one who blaming at?

"Excuse me, Ma'am. Why are you suddenly accusing her? Do you have any proof?" I saw Josaiah stand in his seat. I badly want to stop him, but I just can't.

Hindi ko magagawa 'yon. Hindi ko na halos maintindihan ang sinasabi ni Josaiah. Nanatili akong nakayuko, I can't just resist the eyes of them. Bakit ako na naman? Bakit ako palagi?

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now