Chapter 2

27.9K 422 126
                                    

Chapter 2: Mystery

Headline!
Paolo Vezina pleaded guilty; after years of being in jail.

Inquiry
Board passer as the year 2016... see more.

I just continue scrolling through my phone, keeping myself distracted, ngunit parang wala na ako sa hulog... my eyes became blurry until a tear drop fell on my phone. Taksil na luha 'to, letse. Agad kong pinahid 'yon, at inis na pinatay ang smartphone ko. Bagsak kong binagsak ang sarili sa kutson.

I started to breathe heavily, pinikit ko ang mga mata ko. Umaasang gagaan kahit papaano ang nararamdaman ko.

Why it feels so unfair? Why this world is too cruel? Pakiramdam ko tuloy buntot ko ang kamalasan at 'di ako malubayan.

If I can only wish that everything will be okay... ginawa ko na.

Nakatitig lamang ako sa bubong namin, wala kaming kisame kaya tuwing sumasapit ang tanghali, nadarama ang init. Our house is a two story designed, pero gawa lamang ito sa plywood at may halong semento. Dalawa lamang kami ni Mama ang magkasama sa iisang bahay na ito. We do live on an outskirts; maingay, at magulo ni isa ngang kapitbahay ay wala akong kalapit maliban sa nag-iisang kaibigan ni Mama.

Hindi namin kasama sa bahay si Papa, eversince I was a kid. He's never been beside me, but after all, wala akong kimkim na sama ng loob sa kaniya. Wala rin akong naririnig na reklamo kay Mama, subalit pansin ko na magmula mawala sa puder namin si Papa. She became nonchalant about things.

Everytime na may sira sa bahay, we can't do anything, but to formulate on how we'll fix it. Hindi kami mayaman, it was luck when we eat more than two times a day. Walang permanenteng trabaho si Mama, pero palagi siya gumagawa ng paraan upang makaraos kami ng isang araw.

Living poor, is like living on a cage. Lack of opportunity. Katulad na lamang sa kursong dapat na tatahakin, kapag mahirap ka. Dapat sigurado at praktikal ka sa kursong kukuhanin. Kaya ang pagiging guro, I always aimed to be one. Kahit pa, alam kong hindi ako ganoon katalinuhan kagaya ng mga kaklase ko.

Started grade school up to junior high school, and I have never been part of honors. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung ano nga ba ang mali? But I'm just too in denial that it's me. I'm a slow learner, hence I still passed.

Masuwerte na lang talaga ako at sa isang pribadong paaralan ako nag-aaral, kahit pa mayroong sumusustento sa akin dito bukod kay Mama. I honestly tried to know on who it was, since masyadong secretive si Mama everytime I asked her regarding that. That's why, I just assumed on myself, that it was Tita Deszerie (kapatid ni Papa) ang sumusustento sa akin sa pag-aaral.

I shut my eyes, when I felt a bit sleepy. Nakakapagod rin kasing mag-aral ng maghapon, at makipag-socialize sa mga kaklase ko.

Once you take the path of being HumSS, you don't have a choice but to communicate kahit pa sa ayaw at sa gusto mo. Dahil iyon ang environment ng strand na ito.

Bumagal ang paghinga ko, hanggang sa tuluyan na akong tangayin nang pagtulog ko.

. . .

Naliligaw, tila nawawala at 'di alam kung saan tutungo. I take a deep breath, habang binabagtas ang kadiliman ng kagubatan. Pabilis nang pabilis ang pagtibok ng aking puso. Sinusubukan kong ilinga ang aking paningin, ngunit para akong nag-iisa.

"Lissy..."

Isang pamilyar na tinig ang pumukaw sa aking atensyon, muli kong nilinga ang paningin sa paligid ngunit hindi ko matukoy kung nasaan nagmula ang tinig.

"Lissy, anak!"

Binabalutan na ng takot at pangamba ang buong sistema ko. Nanlalabo na ang aking paningin sa luhang nagbabadyang tumulo.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now