Chapter 4: Nuts
"Si Nuts ba 'yon?" nakangising ani Juni. Sino na naman ang binubugaw nito?
"Sino naman 'yon? Tantanan mo ako Juniper." Sinamaan ko siya ng tingin na siyang kinahagulpak niya ng tawa.
Baka mamaya yung lalaki na naman 'yan! Nasa tapat lang kami ng STEM building, baka mamaya nasa paligid lang pala 'yon!
Hinahatak nga nila ako sa mismong tapat ng room nila Wynter--katulad nang nakasanayan. Pero baka mamaya kapag nakita nila ang lalaking tinutukso nila sa akin ay bigla nila akong itulak!
Na-trauma na ako nung nakaraan!
Patuloy siya sa pagtawa, hindi na nga siya halos makahinga. "Nuts! Code name for Ethane." I unconsciously wandered my eyes. Bunganga talaga nila, hindi mapigil!
Sinubukan ko na lang iignora ang pangangasar ni Juni, si Niña tumatawa lang. I started roaming my eyes around to distract myself... but there's a part of me that I don't understand why I'm looking for his presence.
Maliit lang naman ang campus, nasa mismong tapat na rin kami ng department nila... pero bakit kung kailan hinahanap siya saka naman 'di siya makita? Suminghap ako at napailing na lang... but to my surprise, ang kaninang hinanap ng paningin ko... ay nandito lang pala.
And he's already staring at me, he raised his left brow to me, dahilan upang lalong magwala ang loob ko. Hindi lang ako sigurado kung kanina pa siya, but he's with his friends. Nauna akong umiwas ng tingin at sinubukang inignora ang nararamdaman ko.
Heto na naman... it's just his eyes! And his freaking presence! I shouldn't be affected.
"Do you wanna know more about him?" Tinaasan ako ng kilay ni Wynter. Alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.
Umiling ako sa kaniya, it's better this way. Wala naman akong interes sa lalaki.
Mabilis nagdaan ang araw, wala namang pagbabago... bukambibig pa rin nila ang lalaki. Oras-oras, minuminuto at araw-araw. Paniguradong, lagi nang nabibilaukan ang lalaki kung kumakain man siya. The code name that Juni made was very used by them.
"Si Mani ba 'yon?" Sinamaan ko lang ng tingin si Juni. She probably joking around. Sinabi ni Wynter na hindi raw palalabas ang lalaki during breaktime, mas pipiliin daw kasi nitong magbasa kaysa lumabas.
Breaktime ngayon kaya inaasahan kong 'di siya makikita, napatunayan ko rin namang totoo ang ibinahaging impormasyon ni Wynter. Sinubukan ko na lang munang abalahin ang sarili sa pagsagot ng mga activities. Gumagawa naman ako pero nadagdagan pa rin! Kaya hindi ako matapos-tapos.
Malapit na rin ang intramurals kaya busy na rin ang mga officers. Si Wynter nga, minsan na lang namin makasama, since she's also part of it, ganoon din si Niña. Gumagawa lang talaga sila ng paraan upang makasama kami.
Bumalik na rin naman kami sa kani-kanila naming klase. Para ngang ayaw ko pang pumasok sa room dahil GenMath ang subject. I really hate this subject, magche-check din kasi kami ng activity ngayon! Nakakapanlumo kahit 'di ko pa nakikita ang score ko.
"Pst."
Bagot kong binalingan si Juni, kanina pa niya ako tinatawag kahit katabi ko lang naman siya. Nandito na kasi si Sir Roman, baka masita kami kapag nahuli kaming nag-uusap. Marami pa namang nagsasabi na para siyang terror professor, young version.
Pasimple siyang may inabot na papel sa akin na siya namang tinanggap ko. Sinulyapan ko muna ang gurong nakatalikod dahil nagsusulat sa pisara. Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon na basahin ang papel na binigay sa akin ni Juni.
YOU ARE READING
Lost, Lose (Loose Trilogy #1)
Mystery / ThrillerLost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everything will change because of that guy, who'll also change her perspective in life. Who'll go to fulfil...