Chapter 40: Burnout
"Handa ka na bang makita ang Papa mo, Lissy?" Tita Dezserie softly pressed my hands.
I'm already 18. Then this birthday presence would be my favorite out of all.
Pumasok kami sa loob ng bilibid. Bumilis ang pagtibok ng puso ko, sa halo-halong emosyong nararamdaman. Huminga ako nang malalim, nang paupuin ako sa isang upuan. May salamin na nakapagitan para sa bisita at sa preso. Napaayos ako ng upo, nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan.
Muli akong huminga ng malalim at pinaglaruan ang daliri kong nanlalamig. Lumunok ako nang makita ko na ang lalaking hinahanap-hanap ko. Bumagal ang paghinga ko, subalit bumilis ang tibok ng puso ko. Dama ko ang pagbugso ng aking damdamin.
"Papa..." Nasa harapan ko na siya ngayon.
Ngumiti siya sa akin, nagningning ang kaniyang mga mata.
"A-anak..." bumasag ang kaniyang tinig, dahilan upang mabuo ang hikbi sa aking bibig.
Ang dami kong gustong itanong sa kaniya noon... subalit tila naglaho bigla ang mga katanungan sa isipan ko. Dahil ang tanging nasa isipan ko ay... kasiyahan.
Ang sugat sa nakaraan ay muling nabuo.
Pinatitigan ko ang itsura niya. Ang daming nagbago. Bumagsak ang katawan niya, kumpara noon na makisig ang kaniyang braso. Ngumigiti siya, subalit ang lungkot sa kaniyang mata'y nagmumutawi.
"Kumusta ka na, Anak?" I cried even more hearing his question.
I missed hearing his voice, I missed his existence. I missed everything about him.
Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking pisngi. "Mabuti n-naman po," hikbi ko.
Gusto ko siyang yakapin, gusto ko maramdaman ang kaniyang bisig na aking nakaligtaan sa matagal na panahon.
"Pasensya ka na, Anak. Ang dami kong pagkukulang sa 'yo."
Patuloy lamang ako sa pagluha. "Pero gusto kong alam mo na mahal na mahal ka ni Papa, ah. Gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti mo." Huminga ako ng malalim. Nanginginig ang aking labi. "Huwag kang maging masama sa sarili mo. Hanga si Papa sa 'yo kasi ang tatag mo." Umangat ang paningin ko sa kaniya.
"Bakit mo nagawa 'yon?" bumasag na ng tuluyan ang tinig ko.
Para akong isang musmos na hindi alam kung paano tatahan. Seeing those eyes that I've been longing for years heals the inner me.
Lumamlam ang kaniyang mga mata. "M-masaya naman ako sa kung a-anong buhay natin. Masaya ako kung anong k-kaya niyong ibigay sa akin. H-hindi naman a-ako n-naghahangad ng kung ano..." Diretso ko siyang tinignan. Pumikit ako ng mariin.
Ngumiti siya sa akin, his eyes speaks, and it feels his relief and proud of me. His words, his expressions have always been genuine. Those are the ones that I've been seeking for years. Those are the ones that have been robbed of me in my entire existence.
"Tinakot niya ako, Anak." Bumigat ang aking paghinga. Umiwas siya ng tingin. Bakas sa kaniya ang pagdadalawang isip na sagutin ang katanungan ko. "N-oong gabing iyon, sinabihan niya akong magtungo sa bahay ng mga Silvestre." Bumilog ang mga mata ko sa kaniyang sinambit. "Inalok niya ako ng trabaho. Gusto kong tanggapin 'yon, kasi wala ako ibang mapasukan. Pinagkatiwalaan ko siya kasi kaibigan ko siya. Pero pinagtaksilan niya ako, tinakot niya akong papatayin niya kayo, katulad ng ginawa niya sa pamilya niya." Bumuntong hininga siya.
Tuluyang nanghina ang sistema ko. Umawang ang bibig ko. "Pinangakuan niya akong pagpaparaalin ka niya sa magandang eskuwelahan, kapalit no'n. Pasensya ka na, Anak. Naging duwag si Papa." Hirap akong lumunok, sinusubukang iproseso ang kaniyang sinabi. Kumuyom ang kamao ko. "A-ang importante m-maayos ang l-lagay mo. Huwag mo intindihin si Papa." Sunod-sunod akong umiling. Lalo lamang lumakas ang paghagulgol ko.
YOU ARE READING
Lost, Lose (Loose Trilogy #1)
Mystery / ThrillerLost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everything will change because of that guy, who'll also change her perspective in life. Who'll go to fulfil...