Chapter 12: Yvonne
"May pagbibigyan na ba kayo ng paper flowers?" Juni asks us.
Nakapalibot ang upuan namin sa isa't isa. Tutok naman ako sa pag-cram ko sa paggawa ng paper flowers. Nakalimutan ko rin kasing gawin!
The school assigned us to make paper flowers to give to our special someone. Kaya rin siguro nawala sa isipan ko, dahil wala naman akong mapagbibigyan.
Hindi ko muna pinagtuunan ng pansin ang tatlo kong kaibigan na sina Marcus, Niña at Juni. Tapos na rin kasi sila sa pinapagawa sa amin, kumakain na nga lang sila.
"For sure si Marcus mayroon na, katabi niya lang, eh." Agad akong napatayo nang biglang nabasa ang papel ko.
My eyes widened and glared at Marcus na siyang nakabasa ng papel ko. Nabugahan niya kasi ito ng tubig.
"Hala, sorry! Promise, Lissy 'di ko sadya." Panicked were visible on his eyes.
My lips twitched because of it. Hirap-hirap gumawa ng bulaklak, tapos mababasa niya lang!
"Si Juni kasi, eh," bintang pa niya kay Juni na hindi na makahinga kakatawa, pumapalakpak pa ang gaga.
Humugot ako ng isang malalim na hininga habang patuloy na humihingi ng tawad sa akin si Marcus. Binalik ko ang pangin sa lamesa kong basa na. Ganoon din ang paper flower na ginagawa ko.
Matatapos na ako, eh! Bumagsak ang balikat ko, ilang minuto na lang at pupunta na kami sa complex para sa assembly.
"Sorry talaga, Lissy. Gusto mo sa 'yo na lang 'tong ginawa ko?" Hindi ko siya pinansin. "Wala rin naman akong pagbibigyan..." pahina nang pahinang sambit niya.
"Palusot mo bulok," lintanya ni Juni.
"Manahimik ka nga, stapler ko bibig mo riyan."
Muli akong suminghap at napagpasyahang lumabas muna. Tinawag naman ako ni Marcus, ngunit hindi ko na siya nilingon.
Lumabas ako saglit upang itapon ang kalat ko. Bumalik din ako sa classroom, at kita ko ang aligagang pagtayo ni Marcus na pamiguradong pinapakiramdaman ang ekspresyon ko.
"Lissy..." he called my name. Hinarap ko ang huli. Halatang kinakabahan siya base sa kaniyang ekspresyon.
Bahagya akong ngumiti sa kaniya. "Okay lang, tutal wala rin naman akong pagbibigyan," pagpapagaan ko sa loob niya.
Ngunit mukhang 'di siya kuntento sa sinabi ko kaya tinapik ko ang balikat niya.
"Huwag ka na nga makonsensya, sapakin kita riyan, eh!" Tumawa ako. "Araw ng mga puso ngayon, kaya ngiti ka na ulit. Malay mo ma-crushback ka ng crush mo kung mayroon man."
I said wearing a full smile on his face. Nagsalubong naman ang kilay niya. Muli kong tinapik ang balikat niya, at bumalik na sa puwesto ko. Wala na akong balak pang gumawa pa ng bulaklak. Ayaw ko namang pilitin ang sarili ko na gumawa, magsasayang lang ako ng enerhiya.
As the time goes by, Marcus kept saying sorry on me. Hence I always assure him that it was okay! Hindi naman kasi talaga ako nagtatanim ng sama ng loob sa taong malapit sa akin, lalo na kung hindi naman sinasadya.
"Lissy may nagpapabigay," nakasimangot na ani Juni.Kumunot tuloy ang noo ko at tinignan ang hawak niyang brown na paper bag. Sino naman magbibigay sa akin nito? Imposible namang magkaroon ako ng secret admirer!
"Sino nagpapabigay?" I ask. Kinakain pa rin nang pagtataka.
"Ewan! Pinaabot lang din ni Jameson may nagpapaabot daw." Her tone didn't change, "Akala ko nga sa akin ibibigay! Akala ko aayain niya na ako maging girlfriend, tapos after namin grumaduate--sabay kaming hahanap ng work. T-ta's kapag stable na, magpapakasal na kami." She seemed like she would burst in tears, kaya naalerto ako.
YOU ARE READING
Lost, Lose (Loose Trilogy #1)
Mystery / ThrillerLost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everything will change because of that guy, who'll also change her perspective in life. Who'll go to fulfil...