Chapter 33

6.7K 120 2
                                    

Chapter 33: Runaway

"Pahiram ng camera mo."

I handed my camera to Juni. Lumawak naman ang ngiti niya.

"May chismis na kumakalat ngayon, regarding sa mga nawawalang kabataan." Pagkukuwento niya sa akin. Kalat nga ang sinasabi niya.

But some say that it was only a rumor.

"Ows? Anong mayroon about doon?" takang tanong ko. Hindi ko na kasi alam ang paniniwalaan ko.

Bilang isang Humanista kasi, parang nasanay na akong busisiin ang nangyayari sa paligid ko. Kumbaga, magfact-check. Kung credible sources ba ang pinanggalingan ng isang isyu.

"Ang chismis, yung ibang kabataan. Natatagpuan na lang na patay na. Pero the police stay in silent daw. Kaya ang lumalabas, parang rumor ang lahat. Kasi tila may pinoprotektahan." Mahabang linya nya. "Hays, ewan ko ba! Mag-ingat ka pa rin."

Banayad akong tumango, sinusubukang iproseso ang impormasyong nalagap. It feels weird.

Kung totoo man kasi ang chismis na 'to. Paniguradong malaking tao ang pinoprotektahan. It would be a powerful person, for sure.

"By the way. Change topic tayo. Alam mo, maraming nakakaalam na naging kayo ni Ethane. Pero marami ring chismiss na break na raw kayo. Naging kayo ba talaga?" Kuryosong tanong niya, habang kinakalikot ang camera ko.

"We're good. Pero mas ayos na yung lowkey."

"So kayo na?"

Natahimik ako. Hindi ako makasagot.

"Ows, dapat ipalinaw mo sa kaniya. Baka mamaya nagki-kiss na kayo—"

"Hindi 'no!"

"Wala pa naman kayo..." pahina nang pahina na sambit niya. Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit tunog, defensive?"

Agad akong umiwas ng tingin, at nilibot ang paningin sa paligid.

"Wow, may puno na pala rito." Binilisan ko ang lakad ko upang matakasan siya.

Tinawag pa nga niya ako, pero 'di na ako lumingon pa. Baka gisahin niya lang ako!

Lumingon ako sa likuran ko upang masiguradong hindi niya ako nasundan! Subalit agad akong napatigil nang bigla akong may mabunggo. Halos mawalan ako ng balanse, kung hindi pa ako nito nahawakan sa aking magkabilang braso.

I surprisingly turned my gaze to him, and to my surprise. It was Ethane! Kumunot ang noo niya. At sunod na lumingon sa likuran ko.

"Why do you seem like you have seen a ghost?" He asked innocently.

Mabilis akong nagpabitaw sa kaniya, at bahagyang umatras. I avoided his gaze, I bit my lower lip being dumbfounded on how am I going to explain!

Kaya ko nga tinatakasan si Juni, pero ngayon kailangan ko pa rin magpaliwanag?!

Hence, seeing him in front reminds me of how soft his lips were. Napapikit ako nang mariin, umaasang giginhawa ang loob ko.

"Are you okay? Is it hot?" Lumapit siya sa akin, kaya naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. "Namumula ka."

"Huh?" I was dumbfounded. "H-hindi naman mainit. Ano—" I cut my own words. "Balik na ako sa room, ikaw rin! Bye!"

Gusto kong hampasin ang sarili, at pagsabihan ito. Masyado akong halata! Pero mas mabuti na rin siguro ang ganito? Ang takasan muna ang kahihiyan?

Hinabol ko ang sariling hininga pagkabalik sa classroom. Breaktime ngayon, kaya halos wala ang iba sa mga kaklase ko. Tanging si Marcus lang ang naabutan ko na nagbabasa ng libro. Pumekeng ubo ako, at umaktong normal.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now