Chapter 9

15.2K 325 36
                                    

Chapter 9: Comparison

"Wala tayong laban sa itaas, Laura!"

Umagang-umaga, bungad sa akin ang pagtatalo ni Mama at ni Aling Joahanna. Alam ko naman kung anong pinag-aawayan nila. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa pintuan, hindi ako magawang lumabas.

"Si Dess, matutulungan niya tayo na mabuksan ulit ang kaso ng kapatid niya!"

"Hibang ka ba? Bakit ka sasandal sa iba? May sariling pamilya siya!"

"Pero pamilya niya rin naman si Paolo!"

Hindi ko na napigilan pa at lumabas na ng kuwarto. Hindi ko sila tinapunan ng tingin, pero ramdam ko ang paninitig nila sa akin.

Home is supposed to be a place where you would find peace, but it feels so opposite... it feels so draining here.

Madalian akong gumayak para makapasok agad sa eskuwela, hindi ko sila kinibo. Hindi na rin ako nanghingi pa ng baon kay Mama. Kinsenas ang sahod niya, kaya paniguradong wala pa siyang maibibigay sa ngayon. I know she's stressed, kung maaari ko lang siyang tulungan buhatin ang problema. Ginawa ko na.

As usual, I didn't ride in a jeep. May pasok pa bukas, kaya kailangan kong pagkasyahin ang baon ko.

"Lissy!"

Napairap ako sa kawalan nang marinig ang tinig na iyon. Umakto akong 'di siya napansin, pero sinundan niya pa rin ako.

"Hoy," he held my arms, reason for me to stop. I look at him irritatedly. Pepestehin lang naman ako nito, ukol sa ka-MU niya. "May problema ako," dagdag niya pa. Little did he know that I also had a problem too?

He's Giro, my cousin on my mother's side, we were closed before but people change. Dahil sa pag-ibig, marami siyang napeperwisyo. His perspective became different, he had always been desperate.

"May problema rin ako, huwag muna ngayon." I pleaded, sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bitaw," he just sighed as a sign of defeat.

Ang aga-aga, pero pakiramdam ko palubog na ang araw dahil sa pagod. I'm out of focus the whole day. Good thing, Marcus is here to help me with the things I didn't understand.

I stared at the sticky notes on my binder.

'With honors'

A validation that I want to achieve, pero mahirap pala. Lalo na kung hindi ka naman biniyayaan ng talino. I'm just an average kid, minsan hindi ko maiwasang mainggit kina Pres. Amari, they're gifted. Yung tipong, mabilis nilang matandaan at maintindihan ang mga lessons.

Sinusubukan ko naman, but it feels so unhealthy.

"Congratulations to us!"

But despite all of that, I did. Malawak ang ngiti ko habang hawak-hawak ang certificate ko.

'With honors'

I know he will be proud of me... after a year of trying, I know he will.

Ang bilis ng araw at tapos na ang first sem, another adjustment na naman dahil iba na raw ang magiging subjects at teachers. I just hope that I'm going to maintain this performance. Kahit kulang sa tulog, ayos lang.

"Galing mo." Tinignan ko si Marcus na malawak din ang ngiti. Parang tumatalon ang puso ko sa tuwa.

"Thank you," I said genuinely, hindi ko naman magagawa 'to kung 'di niya ako tinulungan. His patience is admirable. "Thank you, bestie!"

Tinawag na siya ng magulang niya kaya humiwalay siya, si Wynter at Juni naman kasama rin ang mga pamilya nila. Though the governor is not here, tanging ina lamang ni Wynter.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now