Chapter 8

15.9K 311 26
                                    

Chapter 8: Affection

"Kumpleto na ba ang gamit mo? Wala ka na bang nakalimutan?"

Chineck ko ang bag na dadalhin ko. Naaligaga ako sa rami ng tanong ni Mama. Mabuti na lang talaga at pumayag siya. Birthday naman daw kasi ng kaibigan ko, ang kondisyon niya lang ay huwag akong lalayo sa mga ito at baka mawala ako.

Ginawa pa akong bata.

"Hinabilin na kita kay Marcus, ah." Napahinto ako sa pag-aayos at tinapunan ng tingin si Mama. Mukhang nakuha naman niya ang ekspresyon ko. "Nag-aalala lang ako sa 'yo, Anak. Lalo na't Manila 'yon."

Hinayaan ko na lamang siya sa gusto niya. Nag-iisang anak lang naman ako kaya naiintindihan ko siya. Mamaya pa ang pasok niya dahil panggabi siya, ngunit wala pa siyang tulog. Pinili niya pang asukasuhin ako kaysa sa magpahinga siya. Tired is evident in her eyes, she's a factory worker at kinsenas ang sahod, kumakasya naman ang kinikita niya sa araw-araw. Pero nahihirapan pa rin akong makita siyang pagod.

Dalawa na lang kami sa bahay, I badly want to help her but she always stops me about that. Lagi niyang sinasabi sa akin, na responsibilidad niya ako. Aside from that, sa pribadong paaralan niya pa ako pinapaaral. Gusto niya raw kasing maging komportable ako.

Nakakaraos, pero kinakapos.

'Di kalaunan sinukbit ko na rin ang bag na dadalhin ko. 1 night and 1 day ang stay namin, kakaunti lang naman ang dinala kong damit. Ang DSLR ko lang talaga ang nagpabigat.

Marcus kept on texting me, kaya nagmadali na ako.

Marcus Formalejo:
saan ka na?

Marcus Formalejo:
Sunduin na ba kita? Mabigat ba 'yang dala mo?

Marcus Formalejo:
Bahay niyo na yata dinala mo. 😅

Halos takbuhin ko na tuloy ang SUV na sasakyan. Bumukas din naman ito at bumungad ang presensya ni Marcus. Dama ko na ang pamumuo ng pawis sa noo ko. Kinuha niya sa akin ang bag na dala ko.

Dapat kasabay namin si Juni, pero nauna na raw doon dahil kasama ang mga magulang nito. Hindi naman masyadong mahaba ang biyahe, pero nangawit naman ang leeg ko dahil nakatulog ako. Nagising akong may nakapatong na jacket sa akin, kaya rin siguro hindi ako masyadong nilamig.

Surely, this jacket is not mine. Wala naman akong dala no'n. I turned my gaze to Marcus, whose also looking at me. Mukhang naaligaga siya, kaya agad siyang umiwas ng tingin. I just shrugged and didn't mind.

Tumingin ako sa labas. Hindi ako sigurado kung kanina pa nakaparada ang sasakyan o kakarating lang namin.

"P-pasok na tayo sa loob,"

I again turned my gaze to him, pansin ko ang pamumula ng pisngi niya. Malamig naman dito, naiinitan pa rin ba siya?

Sumunod lamang ako sa kaniya sa pagpasok sa hotel. Pagkatapak ko pa lang sa loob nito, pakiramdam ko hindi ako belong. Its atmosphere feels different. There's someone who assisted us to our hotel room.

"I-push mo bobo!"

I stopped for a moment when I heard Juni's voice, hindi ko alam kung anong ginagawa niya. We entered our hotel room, dalawa naman ang kama kaya kaming tatlo raw ang mags-share.

"Na-wiped out tuloy! Late game na malakas na si Layla!"

Tuluyan na kaming pumunta kung nasaan siya, she's sitting comfortably in the master bedroom. Tutok na tutok siya sa cellphone niya, na mukhang 'di pa kami napapansin.

She still muttered a cuss, before realizing that we were here. Umawang pa ang bibig niya habang nakatingin sa amin.

"Kanina pa kayo?" she sounds so surprised. Napairap ako sa kawalan at inayos ang gamit ko.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now