Chapter 10

13.8K 299 42
                                    

Chapter 10: Hidden Meaning

"Is it possible to forget a childhood trauma?"

Pakiramdam ko parang isang malaking bato ang tumama sa akin. Ma'am Wynona roamed her eyes around, D.I.A.S.S subject namin ngayon... and honestly this is one of my favorite subject, hindi lang dahil magaling magturo ang guro ngunit napupukaw rin ng subject na 'to ang buong atensyon ko.

A lot of my classmates volunteered to recite. Sa loob-loob ko, tila ba gusto ko rin sumagot... but I'm too scared to express my opinion. Maraming sumagot. . . But Amaryllis caught my attention.

"Yes, Amaryllis?"

Lahat kami ay nalipat ang atensyon sa babaeng taas-noong tumayo. I really admire her for being confident, sa tuwing nagre-recite siya, lalong lumalabas ang tapang sa itsura niya.

"For me, it depends on the scenario that the person experience." Para niya kaming nabitin, ganoon din si Ma'am na parang tuluyang nakuha ang kaniyang atensyon.

Ngumiti ang dalaga. "According to some article; in the age 2-3 years old, there's a possibilty that we can still remember that kind of memory. May iba rin pong pag-aaral na hindi sa lahat ng oras ay akma ang naaalala natin. Those memories can be remembered using some of our senses, such as smells, sounds, feelings and many more."

Manu-mano niyang ipinaliwanag ang sagot niya na siyang nagbigay sa amin ng linaw. She really has passion on public speaking. Hanga talaga ako sa mga taong may natural na abilidad ukol dito.

Like they can express the things they want to say, parang binigyan din sila ng kakayahan na madaling makapag-formulate ng sasabihin.

She receives applause and praise from my classmates and also from Ma'am Wynona. Well, nakakahanga naman talaga.

"Papasok ba kayo sa valentines?"

Vacant namin ngayon, and we're assigned to make a paper flower for the upcoming Valentine's Day. Marami tuloy ang pakalat-kalat na estyudante, but we stayed inside of our classroom. Dumayo lang si Wynter para makasabay namin siya sa paggawa.

But honestly, I know they just used this excused dahil wala halos natirang guro. They're all busy because of BulPrisa, sports event naman iyon kaya hindi rin namin kasama si Marcus.

"May date ako no'n." Nakakalokong ngumisi si Wynter. Yabang nito.

"Sana all!" sabay naming sambit ni Juni kaya nagtawanan kami. Wala naman kami masyadong kasama sa classroom kaya ayos lang mag-ingay.

"Wait, i-reremind ko pala kayo na I'm going to undergo a charity event... sa may Bustos. Next, next week pa naman, so we can prepare," Wynter announced to us.

Hindi ko maiwasang mapangiti, nasa ilalim man siya ng pamumuno ng tatay niya, she still thinks of others. May paratang kasi na ang Ama niya ay nasa ibang bansa at tila tinakasan ang responsibilidad bilang isang Gobernador.

"Bakit naman may paganyan ka? Anong nakain mo?" sabat ni Juni. Tinaasan tuloy siya ng kilay ng dalaga.

"Mabait kasi ako, ikaw kasi hindi."

Mabuti na lang, maaga ang dismissal namin, I've decided to leave alone. . . Dumiretso ako sa tapat na cafeteria ng school. Suweldo ni Mama kaya may pera ako, minsan lang din naman ako gumastos at deserve ko 'to. I just felt so drained.

Hindi naman ako gumastos ng breaktime kaya ayos lang talaga gumastos ngayon. 35 pesos lang naman kaya pinatos ko na. Luckily, wala masyadong estyudante kaya malaya akong nakaupo kahit saan nang makapag-order ako. I just ordered a mango graham.

Tumingin muna ako sa labas habang hinihintay ang mango graham ko. Nilabas ko ang cellphone ko nang maramdaman na mag-vibrate ito.

Wynterlheigh Navarro:
ingat sa pag-uwi.

Ewan ko kung bakit parang dismiyado ako na si Wynter ang nag-chat. I should be thankful that she cares for me! But my heart feels so opposite. Hindi ko naman siya friend sa kahit anong socials, wala rin kaming ibang koneksyon. Tanging interaksyon na simpleng pagtingin lang ang nagagawa namin, alam ko naman na aksidenteng pagtingin lang 'yon. I'm just too delusional, at nilalagyan ng meaning ang lahat.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Buwisit, why have I always been affected?

"Don't be sad, Ethane. Baka mag-sad posting ka na naman."

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang marinig ang pamilyar na tinig na 'yon. Aligaga kong dinapuan ng tingin ang papasok na mga estyudante. They're all laughing as if teasing the guy that I've just in my mind a while ago.

Sinundan ko lang sila ng tingin, naupo sila sa hindi kalayuan. My heart beat fast at the thought that he was here. Ramdam ko ang pamamawis ng noo ko kahit fully airconditioned naman ang cafeteria na ito.

"Ikaw na um-order, Ethane. Since hindi mo naman siya nakita..." pahina nang pahinang banggit ng lalaking nang-aasar sa lalaki. He looks so shocked seeing me, mukhang 'di inaasahan ang presensya ko. Agad akong umiwas ng tingin at nagkunwaring hindi sila kilala.

"Ms. Lissy!"

Bumalik ako sa reyalidad, ngunit nanatiling mabilis ang pagtibok ng puso ko.

Tumayo na ako kahit tila nanginginig ang buong kalamnan ko sa kaba. Iniwan ko ang mga gamit ko sa lamesa, balak ko sana na rito inumin ang order ko. Pero mukhang 'di naman ako tatagal kasama sila!

Parang may dumaan na anghel at tumahimik ang mga kaibigan niya. Dinig na dinig ko tuloy ang nagkukumahol kong puso. Nauna ang lalaking makapunta sa cashier, binabanggit ang mga orders.

Lumunok ako at kinuha ang order kong mango graham. Hindi naman ako nakainom ng kape pero grabe ang bilis ng pagtibok ng puso ko; tila nagwawala--gustong makalaya. I can smell his addicting smell attracting my nostrils, parang gustong mamahay ng amoy niya sa akin.

"'Cause it's you and me
And all of the people with nothing to do
Nothing to lose
And it's you and me."

Buwisit, bakit ganito ang kanta? Act cool, Lissy.

"And it's you and me and all of the people
And I don't know why
I can't keep my eyes off of you."

"What else, Sir Ethane?" Pasimple ko siyang tinignan gamit ang peripheral vision. Parang ayaw ko pang umalis at patitigan na lamang siya.

"Mango graham. . . isa lang."

Tumalikod na ako at bumalik sa puwesto ko. Hindi naman ako manhid, pero dama ko ang paninitig ng kaibigan niya sa akin. As if they're watching my every move.

Suminghap ako at umupo na lang dito, I should act like I'm not affected... lalo na sa presensya ng lalaking 'yon. Sino ba siya para maging apektado ako? Given na guwapo at matalino siya, pero hindi dapat ako apektado!

Ngunit hindi ko mapigilan ang sarili at sumulyap sa gawi nila. Bumalik sila sa pagiging maingay. They're taking pictures of themselves with their drinks. 'Di nagtagal, na kay Ethane na ang buong atensyon ko. He took a photo of his mango graham... same as mine.

Ngayon ko lang napagtanto na iba ang drinks ng mga kaibigan niya sa kaniya. Siya lang ang naka-mango graham.

Gusto ko kurutin ang sarili ko, binibigyan ko na naman ng meaning ang lahat!

Umiwas ako ng tingin, baka akalain pa nila pinapanood ko sila kahit totoo naman. I took my phone to distract myself. Maling desisyon yata ang pamamalagi ko rito.

Awtomatiko akong napadpad sa account niya. Umawang ang labi ko nang makitang may bago siyang post. His new post is a picture of his mango graham. Simple lang ang caption 'contented.'

I scrolled and noticed his friend's comments.

Jameson Mingle
'di mahilig sa mangga pero umiinom ng mangga.

Isaiah Dumpling
daya, 'di ako inaya!

Arlo Giro
mango graham talaga highlights, how about me naman?

Just now pa lang naman ang post pero dinudumog na agad ng mga komento.

Malleficent Dump
kontento na siya, nasilayan na e

***

Reference: https://istss.org/public-resources/trauma-basics/what-is-childhood-trauma/remembering-childhood-trauma#:~:text=But%20is%20it%20possible%20to,connection%20between%20trauma%20and%20forgetting.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now