Chapter 14

14.4K 247 14
                                    

Chapter 14: His Effect

Ang gulo, hindi ko maintindihan. I'm confused about him. Kasi lahat naman kasi sa kaniya ay nakakakuryoso; ang pagtrato niya sa akin, at ang katauhan niya.

After that outreach program, 'di na ulit kami nagkatagpo. Which is better I guess? Ang hirap din kasi sa parte ko na sa tuwing nasa harapan ko siya, hindi ko siya maitulak papalayo sa akin. Hindi ako makaiwas.

It might be just a distraction for me and a danger. Pakiramdam ko kasi ang damdamin ko sa kaniya, imbis na lumabo lalong lumilinaw... lumilinaw na lalo ko siyang nagugustuhan.

And to that thought, kusa ko siyang nilalayuan. Baka kasi nag-aassume lang ako, baka umaasa. Though he already gave me a lot of signs that he probably might like me... pero signs lang 'yon, no indeed actions.

But the letter he gave me last time... it feels so unreal that his feelings for me might be true.

"Maaga uwian namin ngayon!"

Ang saya-saya ni Wynter, daig niya pa ang nanalo sa lotto. Half day lang kasi ngayon ang mga STEM, favoritism talaga. Paano naman kaming mga Humanista?

"Edi kayo na," bitter na saad ni Juni na kunwaring nagbabasa, we're here at the library; may hawak din naman akong libro, gano'n din si Wynter.

"Oo nga pala, magkakaroon din pala ng Math program. Baka interesado kayo." Panghihikayat ni Wynter.

Nahatak niya tuloy ang atensyon ko. Math is one of my weaknesses, iyon din ang humahatak sa grade ko pababa! Kaya nga HUMSS din ang pinili ko, kasi wala naman daw halos math.

"And you know who's the head teacher?" pang-iintriga sa amin ni Wynter. Tuluyan niya nang nakuha ang atensyon namin ni Juni.

"Sino?" naiinip na tanong ni Juni.

"Lalayo pa ba tayo? Edi si Sir Roman Canstilleno." Kung sa bagay, Math teacher naman talaga si Sir Roman. Kaya posibleng siya talaga ang head. "At ito pa ah, alam niyo ba kung sino ang Head student?" she's now grinning.

"Sino?" This time, ako na ang nagtanong. Lalo namang humagikhik ang babae.

"Si Nuts." Umawang ang labi ko.

Lahat yata ng programa aakuin niya! Hindi na nga siya umaatin sa room namin kapag facilitation, tapos magiging head pa siya sa isang programa? He's already busy, but he's making himself busier.

"At alam mo ano ang nakaiintriga? Tsismis lang 'to, pero ang balita nagprisinta si Nuts na maging head student. Confusing kasi palagi siyang tumatanggi kapag inaalok siya to be an officer of an organization! Tapos dito nagprisinta pa talaga siya."

Umiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Tsismis lang naman iyon, at wala masyadong kasigaraduhan kung totoo ba ang sinabi niya.

"Akala ko ba lumayo si Lissy riyan kay Ethane? Bakit parang binubugaw mo na naman? Gulo mo talaga Wynterlheigh Navarro," usal ni Juni. She sound like a protective Mom!

Parang nakaraan lang 'di niya ako tinaboy kay Ethane!

"Talaga lang, ah? Ikaw nga ang nangbubugaw kay Lissy. Ano yung nabalitaan ko nakaraan na nagsama maggrocery ang dalawa?" nagpameywang si Wynter. Nagsalit-salit naman ako ng tingin sa dalawa.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now