Chapter 41

5.8K 106 44
                                    

Chapter 41: Anaheim

"Umuwi ka rin agad, ah."

Nakangiti akong tumango kay Tita Deszerie. Nasa bahay namin siya ngayon namamalagi habang nasa hospital pa rin si Mama. Pinayagan naman niya akong umalis muna saglit sa bahay upang makapag-isip-isip. Kailangan ko rin da kasi ng preskong hangin. Isa pa, premyo na rin daw ito dahil naggeneral cleaning ako sa bahay. Isa sa mga dahilan kung bakit ako naglinis ng bahay, ay upang kahit papaano maiba ang atensyon ko.

Alas tresna nga ako natapos sa paglilinis, nagpahinga lang ako saglit bago ako tuluyang gumayak sa pag-alis ko ngayon.

"Basta mag-iingat ka."

Muli akong tumango sa kaniya. "Opo, Tita." Lumapit ako sa kaniya upang bigyan siya ng yakap. "Thank you, Tita." It was out-of-the-blue giving thanks to her.

I'm not a vocal person. Hence in life, I've realized two things; as long as we live, we should express what is inside of our heart. Secondly, as long as the person we loved still exists, we should give them appreciation in this world.

'Cause in this world, there's no assurance.

Bago ako tuluyang makalabas ng bahay. Maraming paalala ang ibinaon sa akin ni Tita Deszerie. Pinakinggan ko naman siya bago umalis. Naglakad lamang ako papuntang terminal.

Kumportableng damit ang suot ko. Isang puting blusa, at pinaresan ko ng kulay marinong pantalon. Nakatrintas din ang buhok ko, upang 'di ako masyadong mainitan sa biyahe. Napatingin ako sa palapulsuhan ko, kung saan suot-suot ko pa rin ang pulang pulseras na ibinigay ni Ethane.

Napaisip ako, katulad ko ba sinusuot niya pa rin ang kapareho kong pulseras? May parte sa akin na humihiling na sana, ang sagot sa katanungan ay 'oo'. Subalit ano naman sa akin kung suot niya nga? Hindi naman namin mababago ang nangyari na.

As soon as I arrived at my destination. I can't help but feel relief. Ilang buwan na rin ang huling dalaw ko rito. I breathed out as I stepped inside the property. May ilang kabataang naglilinis; nagwawalis, at nagpipinta ng pader.

Going here would be one of my greatest gifts that I can give to myself; to fulfill a promise.

"Lisianthus?"

Bumaling ang atensyon ko sa ginang na papalapit sa akin. May namuong ngiti sa aking mukha. She's Ms. Glen, siya ang may ari nitong ampunan na pinagpuntahan namin noon nila Juni.

"Come in." Pinanyayahan niya akong pumasok sa loob.

Pansin ko sa mga bata rito, lahat sila ay madisiplina, sa tuwing kumakausap sila ng matanda, palagi silang gumagamit ng opo. Inosente man pakinggan, subalit alam kong may kaniya-kaniya silang hinanakit sa buhay.

It may seem that they're free, but no... they are not. As long as you're living, you'll experience heartaches, and pain that can alter the inside of our heads.

That's why fulfilling a promise, even though I'm sure they still remember it... I still did come.

"Tanda niyo pa rin po pala ang ngalan ko?" takang tanong ko. Pinaghanda niya ako ng tasa ng kape. Ngumiti siya sa akin. Sumimsim ako sa kapeng itinimpla ng ginang para sa akin.

"Siyempre, bukambibig ka ba naman ng palagi ring dumadalaw rito." Ngunit napaso yata ang dila ko sa kaniyang sinambit. Aligaga naman siyang lumapit sa akin para abutan ako ng maligamgam na tubig. "Pasensya ka na."

Banayad akong ngumiti sa kaniya upang ipakitang ayos lang ako. Wala naman siyang binanggit na ngalan, pero bakit parang kilala na ng isipan ko ang tinutukoy niya? Ganoon din ang puso kong ngayo'y kumakabog sa kaba.

Pumekeng ubo ako upang takpan ang kahihiyang ginawa.

"Pero sa totoo lang, galing din siya rito kanina." Kunot-noo ko siyang nilingon. Lumawak ang ngisi ng Ninang.

"Po?" I asked if I heard it right.

"Madalas siyang dumalaw rito. Simula nung nagpunta kayo rito noon ng mga kaibigan mo–palagi na rin siyang tumutungo rito." Kumurap ako ng ilang beses. "Dahilan niya, sabi raw kasi ng mga bata na may dalagang nagsabi sa kanila na madalas silang dadalawin. However, he was the one who fulfilled the promise." Umawang ang labi ko nang tila matamaan sa sinambit ng ginang.

Ako ba ang dalagang tinutukoy niya.

"Simula no'n, palagi na siyang nakikita ng mga bata. Tanda ko pa na sabi niya na kapag nandirito siya, parang humihilom ang sugat ng nakaraan niya. Just by seeing the smile of the kids."

Hindi ko na namalayan ang oras. Palubog na ang araw, at heto ako nananatili sa lugar na ito. Mayroon sa parte ko na umaasa na nawa'y magtungo siya rito. Gusto kong marinig ang mga hinaing niya. Ang sakit na nadarama.

Suminghap ako ng hangin. Patulog na rin ang mga bata kaya, hinanda ko na ang sarili na umalis. Nakipaglaro, at kuwentuhan ako sa kanila na naging dahilan yata ng pagkapagod nila. Sa saglit na oras, lumipad ang mga problemang napagdaanan ko. Sa saglit na panahon nakaramdam ako ng kapayapaan.

"I hope to see you soon, Lissy." Humarap ako kay sa ginang. She's truly a good person, on how she communicates to the kids. Para talaga siyang ina na tumayo sa mga bata. "But I pray with him, no doubts, no pain." Ang sinabi niya ay humipo sa puso ko.

Maliit akong ngumiti sa kaniya. I hope so. I pray heaven will answer it.

Paghakbang ko papalabas ng ampunan, agad akong may napansin na itim na sasakyan–katulad na katulad ng sasakyang napansin ko kanina na nakaparke sa malapit sa aming kanto. Huminga ako ng malalim, at isiniwalang-bahala ang kaba sa loob ko.

Inilibot ko ang paningin sa paligid. Marami namang taong naglalakaran, ganoon ding may mga sasakyang nag-aandaran.

Pinakalma ko ang loob ko. Tila ang kapayaang mayroon sa loob ko'y humupa.

Nagsimula akong maglakad nang mabilis. Dapat sumabay ako sa agos ng mga tao.

Sinubukan kong kumalma.

"Miss!"

Umingay ang paligid. Nagkagulo ang mga tao.Humarap ako sa likuran ko upang malaman kung ano ang nangyayari. Subalit pakiramdam ko bumaon ang aking paa sa lupa, nang isang sasakyan ang mabilis na umandar patungo sa akin.

Lalong rumagasa ang puso ko, bumilog ang aking mga mata sa kabila ng nakasisilaw na ilaw na dulot nito.

Hanggang sa tuluyan kong maramdaman ang hagip ng isang sasakyan sa aking katawan. Sinubukan kong aninagin ang loob nito. Iba ito sa sasakyang minamata ko kanina. Bumagal ang paghinga ko. Ang tunog sa paligid unti-unting humihina. Lumabo ang aking paningin. Naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig. Nanatili akong nakatitig sa sasakyang nakahinto, habang may matalas na ilaw na nakatapat sa akin.

Ang puso ko'y unti-unting bumagal ang pagpintig. Pumungay ang aking mga mata, pilit na lumalabang igalaw ang katawan.

"Yvonne..."

Bumuntong hininga ako nang marinig ko ang pamilyar na tinig.

"Yvonne..." It was continuously calling me. I felt a hand hold my arms. On that way, I got a reason to see even though it was still blurry. "You need to stay awake." But I didn't.

Tuluyan na akong napapikit, subalit ang diwa ko'y nanatiling gising. I felt his arms holding me, he was carrying me.

If this is how heaven answers my prayer... I'm still glad.

***

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now