Chapter 7

17K 283 44
                                    

Chapter 7: Glimpse

"Magpaparticipate ka ba sa facilitation?"

Hindi ko pinansin si Josaiah, nakatuon lang ang atensyon ko sa pagsagot sa assignment namin sa General Mathematics. Hindi ko kasama sila Juni dahil nasa facilitation sila, wala tuloy akong choice kundi makasama ang lalaking 'to.

"Graded rin 'to." Ang ingay! Palibhasa kasi may sagot na siya rito kaya iniistorbo ako. "Participate ka na, para may kasama ako." Sinamaan ko siya ng tingin, para siyang batang nagmamaktol.

May isang facilitator na kasing pumasok, nagpilahan na nga ang mga kaklase ko. Napasinghap na lang ako, sabagay part din 'to ng performance task.

Kumuha ako ng papel sa bag ko. I heard Josaiah rejoice. Ang sense kasi ng facilitation na ito is to enhance the student's capability in speaking using the English language.

Pumila ako sa isang lalaki. Kung tutuusin, guwapo siya, but he looks like he isn't aware of it. Katamtaman lang ang taas niya, his skin looks so delicate. He's whiter than me, may suot-suot din siyang specs. He looks so nice, dahil kapag natapos ang nagparticipate na isa, ngingitian niya.

"Hi, Tan."

Josaiah is still at my back, nakasunod lang siya sa akin. Dumapo tuloy ang paningin ko sa binati niya. Halos lumawa ang mata ko nang mapagtanto na, it was Ethane!

May mga pumila agad sa kaniya. Hindi ko alam na he's a facilitator! Well, kung tutuusin he's overqualified to be one. Pumila roon si Josaiah, gusto ko siyang hatakin pabalik.

"Miss?"

Agad akong napalingon sa harapan ko, hindi ko man lang namalayan na turn ko na pala. Pilit akong ngumiti sa kaniya. Buwisit naman, bakit ba kahit hanggang sa classroom nakikita ko siya? Hindi na ako nilayuan ng presensya niya!

Sumagot tuloy ako na hindi ko alam kung may sense, hindi ko na lang kung anong binigay na grade sa akin ng lalaki. Bumalik na lang ako sa upuan ko, at pilit pinapakalma ang sarili.

Kainis, wala pa namang ginagawa ang lalaki pero grabe na ang paghaharumentado ng puso ko. Napakataksil!

Marcus Formalejo:
Lissy, nood ka bball T.T

During the second break, nagpunta lang muna ako kay Marcus. Nasa complex siya, may training sila for basketball.

Umupo muna ako sa isa sa mga bleachers, habang pinapanood na on-game si Marcus. 'Di ako maalam pagdating sa larong 'to, pero ang posisyon niya raw ay point guard, ni hindi ko nga alam kung ano ang ginagawa no'n. Jameson is also in here, kaya maraming fan girls. Mukhang katulad ko, nilaan na lang ang oras para manood. But I didn't come here for him, I came here for Marcus.

Kanina pa sila nagte-training. Kaya naliligo na sa sariling pawis si Marcus. Nang matapos ang ilang minuto pinaupo muna siya ng coach nila. Nagtama ang paningin namin, na siyang kinaaliwalas ng mukha niya. Bumaba ako sa bleachers at nilapitan siya.

Uminom siya sa tubig niya habang 'di inaalis ang paningin sa akin, hindi ko na siya tinignan pabalik at tinuon ang atensyon sa pagpunas ng pawis sa kaniya. Pawis na pawis naman kasi. I saw him grin, but I just didn't mind.

Pawisan na siya, pero nangingibabaw sa kaniya ang amoy ng pabango niya kaya hindi naman siya mabaho.

"Kailan ka papasok sa room?" Hindi na kasi siya masyadong nakakaatin sa mga lesson, dahil lagi siyang busy. Mabuti na lang talaga at kaya niya pa ring humabol, nakakapagpasa pa rin kasi siya ng mga activities, minsan nadadaigan niya pa ako.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now