Chapter 38

5.8K 118 6
                                    

Chapter 38: Awaken

Isa sa mga turan sa akin ni Papa... huwag na huwag magmakaawa. Masama na ba akong anak kong susuwayin ko siya? Dahil nag-aasam ako ng kalinga?

Pumikit ako ng mariin. Sabi ng ilan, ang lahat na nangyayari sa buhay natin ay may dahilan kung bakit natin nararanasan. Dahilan upang tayo ay tumatag, subalit bakit mas lalo lamang akong nanghihina?

Botcha, bakit pakiramdam ko pinagkakaitan ako palagi ng mundo? Sinusubukan ko namang maging matatag, pero hindi ko na kinakaya. Nanghihina na ako. Pagod na ako. Gusto ko nang sumuko.

Bakit ba palagi na lang akong naiiwang mag-isa?

Umiyak ako nang umiyak, umaasang sa paraan na ito--aayos na ulit ako kinabukasan, mababawasan ang bigat na nararamdaman ko. Wala akong ibang kasama sa bahay... niyakap ko ang sarili.

Sa sumunod na araw, ang inaasahan ko'y hindi nangyari. Para lamang akong lantang gulay na hindi na naalagaan at palisaw-lisaw na lang sa hangin.

I should be hiding in shame, but here I am walking towards the Wynter building. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong malaman kung totoo ba ang sinabi niya sa akin. Gusto ko malinawagan.

Subalit na imbis ang presensya ng dalaga ang nakita ko... ang binata ang natagpuan ko. Nagmamadali siyang bumaba ng hagdanan. Mukhang hindi niya napansin ang presensya ko kaya nagmadali ako upang sundan siya. Marami akong naririnig na bulungan sa paligid, ngunit ang mga mata ko'y nanatili sa kaniya.

Maybe, because I want to hear his voice--to believe me. Ako ang palaging naniniwala, now I need someone to hear that they believe me.

"Ethane," I called his attention, but he didn't look back. Binilisan ko ang paglakad ko. "Ethane puwede ba tayo mag-usap?"

Sinubukan ko siyang habulin, ngunit patuloy siya sa paglayo, kasabay naman no'n ang paglabo ng paningin ko dahil sa mga nagbabadyang mga luha. Ano na naman ito? Bakit naiiyak na naman ako? Akala ko naubos na kanina.

"Ethane, please. Pakinggan mo naman ako." Kailangan ko ng kakampi, pinagtutulungan nila ako. "N-natatakot ako..." nanginginig na ang boses ko, pero sinubukan ko pa ring tatagan ito.

Nakahinga ako ng maluwag nang huminto siya. Agad kong pinunasan ang luhang tumulo. I smiled a bit when he already faced me, but the way he looked at me... ibang-iba ito sa kung papaano niya ako tingnan noon; it was blank, his eyes were not glistening... it looked so empty.

"Ethane... please believe me--"

"Stop," he cut my words. I swallowed the hard lump in my throat. Suminghap siya, napahilamos siya sa sarili niyang mukha. Parang kakaunting pasensya na lang ang natitira sa kaniya. "Huwag muna tayo mag-usap ngayon, pagod ako."

Muli siyang tumalikod at naglakad papalayo, hinabol ko muli siya.

"Pero, Ethane. Pagod rin naman ako." Hindi ko na mapigilan pa at umiyak na. I know some students already watching us, pero wala na akong pakielam ngayon.

Kahit mukha na akong desperada... I know he's tired but I just want him to believe me.

"Ethane... please. You love me right? Pakinggan mo ako." Para na akong nagmamaktol na bata, na nagmamakaawa sa atensyon. I know this isn't right. 'Di ko na mapigilan ang lumalabas sa bibig ko. My mind is too clouded para pati pagsasalita ko ay isipin ko pa.

This time... I want to be selfish.

"Please, Ethane. Huwag naman pati ikaw, mawala sa akin." Hinawakan ko ang palapulsuhan niya nang siyang kinatigil niya. He slowly turned his face to me, pero katulad kanina.

Walang pagbabago ang pagtingin niya sa akin. Para siyang nandidiri.

"Kahit magsinungaling ka lang na mahal mo ako, na tanggap mo ako. Tatanggapin ko."

Gusto kong sabihin sa kaniya 'yan. Ngunit natatakot ako.

"Can you please stop being desperate, Lissy? You're being manipulative. I don't love you at all, so please..." Pumikit siya nang mariin. Gusto kong magbingibingihan ngunit tagos sa bungo ang kada salitang binabanggit niya.

Humugot siya ng isang malalim. Hindi ko siya binitawan. Patuloy lamang ako sa pag-iyak. Kung sa ganitong paraan, ay mananatili siya.

"But you loved me."

"That was before, Lissy!"

Lissy, he called me on what others called me. He didn't call me Yvonne, like what he usually calls me.

"Maniwala ka naman sa akin."

He sighs in defeat. Masama niya akong tinignan. He look so pissed, I can say that he looked so tired.

"How can I believe when you're a son of a convict?" Napahinto ako, tila sampal ng katotohanan ang sinasabi niya. Ayaw ko siyang pakinggan. Alam kong pagod lang siya kaya niya nasasabi 'to. Tama, I should understand him. Ganoon naman siya, lagi niya ako iniintindi.

"W-why you're saying t-these?" Hirap ako sa pagsasalita. "Parehas tayong b-biktima rito."

Natahimik siya. He stressed out by sighing heavily.

"Why would I love a woman like you? You're just no one... Truly, maybe I'm just infatuated. Naawa lang siguro ako, kaya ko pinakita sa 'yo na mahal kita."

"Ethane--" wala na akong ibang masabi ngunit ang pangalan niya. Maybe I'm overwhelmed by his words.

Why do they need to be like this? Pakiramdam ko pinagkakaisahan ako ng mundo. Parang ayaw akong makitang masaya.

Ngumisi ako. But my eyes can't lie. Patuloy na dumadaloy ang mga luha ko, and this time... binitawan ko na siya. I covered my face while crying. I cried more when I saw that he was still wearing the bracelet--that same bracelet I had.

"Umuwi ka na, Lissy."

Para akong kawawang tuta na inabandona. Tumango lamang ako sa kaniya, nanghihina ang tuhod ko at gusto na lamang magpatiwara sa sahig.

Abala na lang yata ako sa kaniya kaya nagsimula na akong maglakad papalayo sa kaniya. I know some judging me on why a daughter of a drug addict crying without knowing the reason. Ganoon sila kadali manghusga.

Huminto ako sa xeroxan... kung saan niya ako palaging hinahantay. Hindi na akong nag-atubili pang ayusin ang sarili ko. I know I look devastated. Agad akong pumara sa jeep.

Pagod na ako.

I returned my gaze to that place. It was crucial to think that everything started in that place... and will end there as well.

He's standing there. He's also staring at me... as if watching me leaving. Kita ko ang pagdaan ng kung ano sa mga mata niya. Pero wala akong ibang magagawa.

If I can just change everything--mula sa simula.

And this I feel so lost... I lost them all. My friends betrayed me... and even the guy who I expected to stay with me. 'Di ko na alam ang gagawin ko. I feel so lost. Bakit ako palagi.

After all, I just want to be happy. But the world always lets me feel the opposite.

***

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now