Chapter 31

7.8K 140 6
                                    

Chapter 31: Risk

Love is risky, that's what I've observed in my surroundings. Dahil sa pagmamahal, nasaksihan ko kung paano umiyak sa dilim si Mama sa pagkakulong ni Papa. Dahil sa pag-ibig, some lives became cruel.

"Lissy!"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan ko sa isang tinig. Agad ko rin namang nahanap iyon, at napagtantong si Giro ito. Ang pinsan ko.

Habol-habol niya ang sariling hiningang huminto sa harapan ko. Nagtataka ko siyang minata. Ano namang ginagawa niya rito? Samantalang taga-Bustos pa siya. Ilang sakayan din mula rito sa campus.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, subalit nakasunod pa rin siya sa akin.

"Ano ginagawa mo rito? Wala ka bang pasok?" Umirap ako sa kawalan nang, iharang niya ang kamay niya sa akin dahilan upang mapahinto ako.

Saglit na dumapo ang mata ko sa brasong pinangharang niya na kung saan may suot-suot siyang isang relo. Mukhang mamahalin pa ito, base kung gaano ito kakintab.

"Nakita mo ba si Maggie my love?" Suminghap ako sa kawalan nang hindi man lang niya nasagot ang katanungan ko.

"Tanga ka ba? Ano ako lost and found nang nawawala?" sita ko sa kaniya.

Nagpunta ba talaga siya rito para hanapin ang kasintahan niya? Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

Huminga siya nang malalim, na akala mo dismayado. Mukha nga siyang wala pang tulog, sa kung gaano kalalim ang mga mata niya.

"Hindi niya kasi ako kinakausap, dalawang araw na."

"Minulto ko na?"

"Sigu—hindi!" Bigla siyang napaisip. "Bakit niya naman gagawin 'yon?" Sumimangot siya.

Suminghap ako nang makita kong may nagbabadyang luha sa kaniyang mga mata.

"Alam mo? Baliw na baliw ka kay Maggie." Lumapit ako sa kaniya at mahinang tinapik ang balikat niya. "Isa lang ibig sabihin kapag 'di na nagparamdam ang babae. Ibig sabihin lang no'n ayaw na niya sa 'yo." Alam kong masyadong straightforward ang pagsabi ko, pero ito ang kailangan niya!

He needs to be awake in reality! May sarili rin siyang mundo na dapat punan, na hindi lang dapat umiikot ang sarili niya kay Maggie.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang mahina niyang paghikbi. I unconsciously roamed my eyes around to see if some students were looking at us! I hissed, when some does!

Kinuha ko ang braso niya at hinatak papasama sa akin. Dinala ko siya sa medyo tago, at walang tao. Sa isang hallway kung saan wala masyadong dumadaan. Binigay ko pa nga sa kaniya ang panyo na dala ko. Pasalamat siya hindi ko pa 'yon nagagamit!

Napasabunot ako sa sarili. Bakit ba ako nagbe-babysit ng mas matanda sa akin?

"Tigilan mo na nga si Maggie. Ginagawa mo lang kawawa ang sarili mo." Knowing their love story:

He's the one who fell to Maggie first. Grade 7 palang sila no'n at schoolmate pa, hindi pa sila classmates ng maging crush niya na si Maggie. Hindi ko naman maitatanggi na maganda naman talaga ang dalaga. Noong tumungtong sila ng grade 9, they become classmates, dahil itong mokong na 'to. Masyadong pinagbutihan sa pag-aaral kaya napadpad ng section 2. Dose kasi ang sections, at pang-dose ang section na kabilang siya.

Tanda ko pa, kung paano siya umiyak noong nag-grade 8 siya. Disappointed kasi siya, dahil sa section 3 lang siya napadpad. Which was my section back then!

Pero hanga rin talaga ako sa katatagan niya, he admire Maggie for two years. Kung ilalagay ko man ang sitwasyon ko sa kalagayan niya. Paniguradong ganoon din ang gagawin ko.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now