Chapter 17

12.8K 231 43
                                    

Chapter 17: Puwede ba?

"Hoy, Josaiah! Ano ginagawa mo rito? Invited ka ba?" salubong ni Juni sa kaklase naming si Josaiah.

Honestly, his aura screams a rich man. Simpleng T-shirt at black trousers lang ang suot niya. He's the real definition of 'amoy Johnson baby powder'. His glowing! Kahit gabi na.

Kakarating niya lang, he's holding a bench paper bag.

"Para sa akin ba 'yan?" loka-loka talaga 'tong si Juniper. Inilingan lang siya ni Josaiah.

Lumabas kami, dahil nagbabalak na rin kaming umuwi. Magkakasabay rin kaming tatlong nagtungo rito, gamit ang sasakyan ni Wynter. Malayo rin kasi 'to, at baka maligaw pa ang isa sa amin.

"Puntahan ko lang yung kakilala ko," dinig kong paalam ni Wynter. Umalis din naman siya.

Sakto namang dumating si Marcus mula sa bahay nila. May tent kasing nakalatag sa labas nila, ang dami rin kasi talaga niyang kaibigan. Akalain mo 'yon sa tagal na naming namamalagi rito, ikatatlong batch na 'to ng mga kaibigan niya.

"Here, pre. Happy Birthday." Inabot ni Josaiah ang regalo niya sa huli.

"Thanks, tol! Pero teka lang, asikasuhin ko lang yung iba. First time per serve kasi yung atensyon ko." Inilingan ko sa kahanginan si Marcus.

Naglakad na muna ako papalayo sa kanila, dahil baka nakaiistorbo ako! Pero laking gulat ko nang sumunod pala sa akin si Josaiah. Hindi naman ako masyadong lumayo, malapit pa rin naman sa bahay nila Marcus. Si Juni naman ay sumunod kay Wynter na nakikipag-usap na sa iba.

"Out-of-place ka na ba?" He suddenly asks.

Agad akong umiling.

Hindi naman ako madaling ma-out-of-place, honestly mas tipo ko pa nga ang mag-obserba kaysa makihalubilo sa hindi ko naman lubos na kakilala.

"Alam mo? Ang manhid mo." He said that out of the blue. I gave him a confused look.

"What do you mean na manhid ako?" Lumingon siya sa akin na may nakabalandanang ngisi sa kaniyang mukha.

"'Yan! Ganiyan!" He pointed me out. Bakit parang may ginawa akong kasalanan sa kaniya?

"Huh?" naguguluhang ani ko.

Umiling siya ngunit 'di humupa ang ngisi sa kaniyang mukha. "May tumitingin na sa 'yo sa malapit, pero ikaw sumusulyap pa sa iba." Lalo akong naguluhan sa sinasabi niya. Para siyang nagsasabi ng riddle na hindi ko ma-solve.

"Pinagsasabi mo?"

"Wala. Naaawa lang ako sa 'best friend' ko," makahulugang sambit pa niya. "Pero hindi naman kita masisisi, kasi ganoon din naman ako." Suminghap siya na akala mo namomroblema. "Ang daming nagkakagusto sa akin, pero may iba naman akong tinatanaw." He turned his gaze at me, and gave me a meaningful grin.

"Pero seryoso, Lissy. 'Di mo ba talaga siya ramdam? I mean, are you really that numb o sadyang binabalewala mo lang ang nagkakagusto sa 'yo?"

Napaisip ako sa sinasabi niya. I don't know what he pertaining about. 'Di ko nga sigurado kung nasa iisang pahina kami ng naiisip.

I ask him. "Why won't you answer it by yourself?"

"Kasi ako, sigurado pero 'di manhid. Ikaw, 'di na nga sigurado, manhid pa."

"Ang gulo mo." I squinted my eyes on him, trying to read him. Minsan lang kami magkausap pero hindi ko pa siya maintindihan.

Ganito ba talaga kapag masyadong matalino? Magulo?

"For short, you like Ethane." This time, he hooked my interest. Umawang ang labi ko sa sinambit niya.

Am I really that obvious? Umiiwas naman ako, ah.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now