Chapter 5: Doubt
"Sure win 'yang si Nuts, Lissy." Nginisian ako ni Juni.
Parang nakaraan lang nanlulumo pa kami sa exam, ta's ngayon intrams na. May sinalihan akong competition, para experience rin. Wala rin naman sa isip ko ang manalo.
"Ang dami niya ring sinalihan, 'no? Wala yatang balak panalunin ang iba!" puna ni Juni, habang tinitignan ang list ng mga sasali sa competitions. Pinapakita sa amin ngayon ni Niña.
Naka-indicate sa list na sasali siya sa oration, essay, and even chess. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung paano niya naha-handle ang oras niya. Kung ako 'yon, tinamad na ako.
He joined those three, balita pa ni Wynter na hindi ito sumali sa extemporaneous dahil prohibited raw ito sa pagsali. Due to always winning. Isa rin ito sa dahilan upang bansagan siyang Mr. Extempo. Well, he's indeed gifted when it comes to public speaking.
"How about you, Lissy? What do you feel? This would be your first time," pag-uusap sa akin ni Niña.
Huminga ako ng malalim.
Sa kabilang banda, ang sarili ko naman ay hindi makaramdam ng kaba, siguro dahil bukas pa naman ang competition ng sanaysay. May sinalihan din naman ang mga kaibigan ko, katulad ni Wynter na sumali sa rubik's cube. May experience naman na siya roon, and she never loses about that. Si Marcus naman sa pagkakaalam ko marami ring sinalihan. Palagi rin kasi siyang wala sa classroom, para sa training; sumali siya sa basketball and even cultural events, nakitaan kasi siya ng potensyal ng ibang guro.
Mamaya nga ay manonood ako ng laban ni Marcus, sa ngayon dahil unang araw, sa pageant muna magpopokus. Kasali ang isa naming kaklase na si Josaiah, bilang pambato ng team namin. Every team kasi ay nagco-consist ng pitong sections. For sure, he got chosen because of his unique visual. Mas mukhang angat kasi sa kaniya ang dugong banyaga, idagdag pa na kulay abo ang mga mata niya. He's also tall, 6 feet ba naman ang height.
"Hoy, Josaiah kapag tayo natalo. Malilintikan ka talaga sa amin." Halos konyatan ni Juni si Josaiah, she looks like a stage mom.
Nasa isang designated room kami along with the contestants, habang hinihintay magsimula ang pageant. Nandito kami to give moral support, dahil nga kaklase namin siya. Mukha namang ipapanalo niya 'to, he looks so confident. Kulob pa ang room, pero dinig na dinig na agad ang sigawan sa labas. Nung lumabas nga ako kanina, pangalan agad ni Josaiah ang dinig ko. He's a transferee pero ang dami na agad supporters.
Mas guwapo talaga siyang tingnan ngayon, since his face features show up because of the make-up, may sarili namang make-up artist for this pageant pero kumuha pa talaga siya ng sarili niya.
"Manalo at manalo lang ang choice mo," paalala ni Juni sa lalaki. Tapos naman nang ayusan ang lalaki kaya kinuha ko ang camera ko upang random siyang kuhanan. It is supposed to be stolen, pero ang loko nag-wacky pa.
Umalis din naman kami, to watch his total performance. Sa sigawan pa lang ng tao, alam mo na agad kung sino ang favorite, kahit taga-ibang team nakikisigaw. Balimbing lang ang peg. Pero yung botohan naman ay babase via online. Mukhang malakas naman ang hatak niya, kaya medyo kampante kami.
"Do your best, Marcus!" Niña shows her fist, cheering Marcus. Nginitian ko naman ang lalaki at tinapik ang balikat. He looks excited
I and Niña decided to go together to support Marcus, 'cause, after all, kaibigan pa rin namin siya. Sabay ang competition ni Marcus at Wynter, indoor nga lang ang kay Wynter kaya bawal manood. Si Juni naman, sadyang 'di sumama sa amin. 'Di ko alam kung saang lupalop siya nagpunta. Gagawin niya talaga lahat, malayuan lang ang lalaki.
Magkalaban ngayon ang team nina Wynter at namin, sabi nila magaling daw at may experience talaga maglaro ang team nila Wynter. Jameson is also here, kung wala siguro si Marcus dito, for sure Juni we'll be here.
YOU ARE READING
Lost, Lose (Loose Trilogy #1)
Mystery / ThrillerLost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everything will change because of that guy, who'll also change her perspective in life. Who'll go to fulfil...