Chapter 34

5.9K 109 3
                                    

Chapter 34: Cruel

"Are you related to Giro Laurel?" Josaiah randomly asked.

Nagtataka ko siyang tinignan, subalit may pag-asang umusbong sa dibdib ko.

"Bakit mo natanong?"

"I'm just wondering if you're related to him. Kalat kasi sa page ng bayan na nawawala siya."

Huminga ako ng malalim.

"Pinsan ko siya," tugon ko sa kaniyang tanong.

"Do you have any speculation on who he's with?" Unti-unti akong tumango.

Ayaw kong pangunahan ang damdamin ko. Lumunok ako. Ayaw kong magpadalos-dalos at magbintang na lang. Pumikit ako ng mariin, sinubukang pakalmahin ang loob ko. Kailangan kong malinawagan, para sa kapanatagan ko. However, I stood up on my seat. Hindi ko kayang manahimik ngayon.

"Wait, where are you going?" I felt him following my back.

Sakto nang makita ko ang mga kaibigan ng dalaga. Si Maggie, ang girlfriend ni Giro.

"Maggie." I called her attention.

Huminto naman ito mula sa paglalakad, at dahan-dahan akong hinarap.

"Nasaan si Giro?" diretsahang tanong ko sa kaniya. Takang-taka niya akong tinignan.

"Lissy, calm down. Maraming nakakakita." Hindi ko pinansin ang pagbulong sa akin ni Josaiah.

He held my arms.

"What are you saying?" pagmamaang-maangan niya. "I don't know where he is."

Tatalikod na sana siya nang bigla kong hilahin ang braso niya. Naging dahilan ito para lalong tumiim ang tingin niya sa akin.

"Ano ba?!"

"Maggie, just tell us where Giro is." Nauubos na pasensyang ani Josaiah.

"Alam kong alam mong nasaan siya!" I can't control my temper anymore.

Mabigat ang bawat paghinga ko habang masama ang tingin sa kaniya.

"Why are you shouting at her? She's pregnant!" Gulat kong nilingon si Amari nang pumunta siya malapit kay Maggie, na ngayo'y biglang nagbago ang ekspresyon.

Lumamlam ang mga mata niya, at lalo iyon nagpanaig sa galit sa loob ko.

"Amaryllis." Josaiah gave him a threath.

"Ayos ka lang?" I watched her sympathize with Maggie.

Kumuyom ang kamay ko.

"N-nagulat na lang akong s-sinugod niya ako." Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Amaryllis caressed the cheeks of Maggie.

Umaakto siyang takot na takot sa nangyayari.

"Sabihin mo na lang kasi kung nasaan si Giro!"

I stared at her in bloodshot. Gustong-gusto ko na siyang saktan, kung 'di lang ako pinipigilan ni Josaiah.

"Hinding-hindi ako magdadalawang-isip na saktan ka!" banta ko sa kaniya.

Sa sinabi ko, tila muling nagising ang natatagong ugali ni Margarrete. Suminghap ito sa kawalan, habang mababasa ang pagkairita sa mga mata niya.

"You probably think that you're more powerful than me?" matapang na sambit nito. Ngumisi siya. "Anak ng isang drug Lord na mamamatay tao?"

Pakiramdam ko tumigil ang paghinga ko sa lantarang anunsyo niya. I heard everyone gasp because of it. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"Hindi ko nga maintindihan, why are you still going out with Ethane? For sure you're using him."

"Stop it, Margarrete. Kung ayaw mong ipatanggal kita sa campus na ito."

My mind, it just can't process completely. Nararamdaman ko ang udyat ng luha sa aking mga mata, pati na rin ang paghina ng aking tuhod.

"Do it then, Josaiah! I'm not afraid of all of you. Mas malakas pa rin ang nakapailalim sa amin." Maggie confidently stated. "Besides totoo naman, 'di ba? Why are you still friends with her?"

"Kung sa katunayan, she might also using you?" Gusto kong itanggi ang mga paratang niya.

Bumagal ang paghinga ko. Buong tapang kong inilinga ang paningin sa paligid. Natagpuan ko ang mapagkutyang tingin ng ilang estyudante sa akin, habang ang ilan ay may halo pang takot.

"What's happening here?"

Bumagsak ang balikat ko nang dumating si Sir Roman na salubong ang kilay. Dumapo naman ang paningin niya sa akin. Lumunok ako at umiwas ng tingin. "All of the witnesses. Go to the guidance office now." Pumikit ako ng mariin. "Especially you, Vezina and Almozano."

Pakiramdam ko, lumulutang ang paligid ko. Hindi maproseso ng utak ko ang mga kaganapan. Masyadong nangingibabaw ang samu't saring emosyon sa loob ko na mahirap pangalanan. Pinagsabihan kami ni Ma'am Elena, subalit tila sarado ang aking tainga at walang naintindihan sa kaniyang semon.

Pinalabas din naman nila kami, subalit ang kaluluwa ko'y wala sa aking loob. Hanggang, sa unti-unti may nabubuong hikbi sa aking bibig. I fastly wiped the tears on my face, and started to walk fast. Mabuti na lang wala masyadong estyudanteng pakalat-kalat.

Nagmamadali akong tumakbo. I don't care if people are watching me cry already. Ang bigat-bigat ng loob ko. Why are they all siding on the wrong? Nanghina ang tuhod ko, at napaupo sa sahig.

"Lissy." Nanlalabo man ang paningin, subalit umangat ang paningin ko kay Marcus. Habol-habol niya ang kaniyang hininga, habang bakas ang pag-aalala at habag sa kaniyang itsura.

Umiling ako sa kawalan. "Iwan mo muna ako, Marcus." He stopped from walking towards me.

Ayaw kong kaawaan niya ako. Unti-unti nang kumawala ang hikbing gusto nang maging malaya.

"Hayaan mo muna ako." I covered my face.

Hindi ko na alam kung anong mukhang ihaharap sa kaniya.

"Iwanan muna ako."

Instead of hearing his steps to walk against me, I heard his steps walking towards my direction. Inangat ko ang paningin sa kaniya habang punong-puno na ng luha ang mga mata ko.

"Sorry, Lissy." Lumuhod siya upang mapantayan ang taas ko. Hanggang sa tuluyan kong naramdaman ang bisig niya sa akin. His apology sounds so sincere.

Everything feels so heavy right now. Ang daming problemang tumatakbo sa isipan ko. Why is it all happening right now? Bakit palaging ako? If only I could stop the time so I can take a rest even for the meantime from this cruel world, then I did. Subalit wala akong kakayahan gawin 'yon, kaya paano ko kakayanin ang lahat ng ito?

Sa bisig niya, mas lalo lamang lumakas ang paghagulgol ko. Tinapik niya ang balikat ko. He started humming to calm me down, but instead it feels inviting for me to cry for more.

In that moment, I'm assured that the world is against me.

***

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now