Chapter 01: Sunset
I stared at the sky, ang ganda ng kulay... this is why I like the moon than the sun, bukod sa 'di mainit, it feels so refreshing... it also shows peace, parang binibigyan ka nito ng kapahingahan.
"Kapag nag-grade 12 tayo, dapat sabay-sabay tayong mag-aapply sa BSU." Tinignan ko si Wynter, she's hopping like a happy kid. Kasama ko ang mga kaibigan ko mula high school. Though we're upcoming Senior high, malapit na ang pasukan kaya sinusulit na namin ang maggala.
Marami kasing nagsasabi na we're supposed to be college, pero dahil sa K-12 program, we don't have a choice kundi tahakin ang buhay ng isang senior high student.
"Paano kapag 'di nakapasa?" I wandered out, aaminin ko naman na hindi talaga ako pinagpala academically, ni hindi ko nga alam kung saan ako magaling. The one thing that I'm sure about, is that I know the path that I'll be chasing.
Magguguro ako.
"Marami pa rin namang bukas na pintuan para diyan!" Juni motivates me, also a friend of mine who is a same age as me. Ang pinagkaiba lang namin, extrovert siya while introvert naman ako.
Lima kaming magkakaibigan, simula high school mga kasama ko na sila kaya halos magkandasawa na kami sa mukha ng isa't isa. Juni and Wynter are the best friends in our circle, bukod kasi sa palagi silang magkasama na kahit sa iisang bubong. Magkaibigan din ang mga magulang nila. Si Niña naman ang neutral sa grupo, hindi dahil sa siya ang pinakatahimik, pero dahil siya palagi ang pumupunan sa gulo. Wala siyang papanigan kapag may mag-away sa pagitan ng isa't isa. Bagkus aalamin pa niya ang sanhi kung bakit nangyari ang isang bagay.
Kumbaga siya ang nagsilbing ina sa grupo, bukod sa siya ang pinakamatanda, siya rin ang pinakaresponsable.
"Bakit ngayon ka lang?"
Ang bilis ng araw, at unang araw na namin bilang senior high. Hindi ko alam kung sadyang malas lang ako dahil kaklase ko ang mga panget na 'to. Maliban na lang kay Wynter na nasa iba pa ring landas, she's taking STEM. Habang kaming apat naman ay HUMSS.
Kumunot ang noo ko nang salubungin ako nina Juniper, Marcus at Niña. They're looking at me as if I did something wrong to them. Kasalanan ko bang naglakad ako papunta rito dahil nagtitipid ako?
"Kanina pa kaming 6:30 dito," usal ni Marcus na kinasimangot ko.
'Di kalaunan naglakad na rin naman kami, inakbayan ako ni Marcus papasama sa kaniya. Wala namang preno ang pagpuputak ni Juni kesyo ang aga niya raw gumising. Excited lang ang peg? Maghahanap lang naman 'to ng guwapo.
Second-floor pa ang room namin at sa bagong building kami nakapuwesto. Nagtatawanan na sila at 'di ko naman maiwasang makisali, dahil inaasar nila si Juni, dahil na rin sa height ng babae. Si Wynter naman akala mo nasa ibang bansa at ka-video call pa namin. Samantalang nasa iisang campus lang naman kami! Iba lang talaga ang building ng STEM sa HUMSS.
"Panget niyo ka-bonding." Halata na ang pagkapikon sa tono ni Juni, nanguna na nga siyang maglakad sa amin. Ngayon naman kasi, inaasar naman siya sa crush niya kuno. Ewan ko lang kung imbento ba ni Marcus 'to, sa rami ba namang crush ng babaeng 'to? Naguguluhan na lang talaga ako.
We entered our room with a convent atmosphere. Ewan ko kung sadyang maingay lang kami o sadyang tahimik lang ang mga estyudante. Nakaramdam tuloy ako ng hiya, dahil kami lang talaga ang maingay! All of their eyes were on us. May nakikita akong mga pamilyar na mukha, ang iba ay bago lang sa mata ko... for sure mga transferee.
My friends keep on laughing while looking for a vacant seat, kung sino-sino rin ang tinatanguan nina Marcus at Juni na akala mo tatakbong konsehal. Binibigyan nila ito ng matatamis na ngiti, ramdam ko pa ang iba na parang kinukurot ang singit nang nginitian ni Marcus.
YOU ARE READING
Lost, Lose (Loose Trilogy #1)
Mystery / ThrillerLost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everything will change because of that guy, who'll also change her perspective in life. Who'll go to fulfil...