Chapter 13: Mixed Signals
"Nasaan ka na?"
Hindi na ako halos magkandaugaga dahil sa tawag ni Juni. Wala si Mama sa bahay, kaya kanina ay nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba akong sumama sa outreach program. Sa Bustos pa kasi 'yon. Hindi pa kasi siya umuuwi simula kagabi, kaya nag-aalala na rin ako.
"Papunta na." Binaba ko na ang tawag at halos takbuhin na ang papunta sa meeting place. It somehow feels so deja vu, dahil late na naman ako sa ganitong bagay. Kaya, I'm sure that Juni will be mad at me again.
At tama nga ako nang salubungin niya akong salubong ang dalawang kilay, nakahalukipkip pa siya. "Tanghali na, hindi na agahan ang maaabutan ng mga bata!" suway niya agad sa akin. Masyado lang siyang OA, alas nuebe palang kaya.
Para siyang machine gun sa biyahe! Daig niya pa si Mama kung magbunganga! Nauna akong bumaba nang makarating kami sa outreach place. Since Bustos 'to, pamilyar ako sa lugar, palagi kasi akong sinasama ni Mama rito noon, para bisitahin ang ilang kamag-anak namin. Alam ko na rin tuloy ang pasikot-sikot dito. Hindi ko maiwasang mapadasal sa isipan na nawa'y hindi ko makasalubong si Giro, dito kasi sila nakatira! Baka kulitin lang ako no'n kapag nakita ako.
Medyo ramdam ko na ang init, mabuti na lang at nakasuot ako ng shorts para kumportable at the white t-shirt, para daw pareparehas kami.
I saw some students of the campus, nakasuot din sila ng white-shirt. Para akong nakahinga ng maluwag, nang hindi makita ang presensya ng lalaki. He already gave me some motives, pero ako pa ang nahihiya! After the Valentine interaction, hindi na ulit kami nagkausap, hindi ko rin siya halos nakikita. Hindi na rin siya masyadong active sa social media, na kumpara noon na halos araw-araw siya may new post sa wall niya, pero ngayon wala na.
Parang patikim lang tuloy ang binigay niyang signal sa akin. Alam ko namang busy person talaga siya, but deep inside I expect a lot from him. Akala ko dirediretso na ang landian namin na 'yon! Pakiramdam ko tuloy walang siyang choice kaya sa akin niya binigay ang regalong 'yon.
Panatag ang loob kong hindi siya makikita ngayon, balita ko kasi mas busy ang club nila kapag weekends. Puspusan talaga ang training nila.
Study is life pa naman siya, kaya for sure he won't attend to this kind of event. Maliban na lang kung nandito siguro ang IV of Spades baka umatin pa 'yon. Chariz.
I shook my head, iniisip ko na naman siya. Sumunod na lang ako kina Marcus. Nakita na rin namin sina Wynter at Isaiah; kausap nila ang isang madre.
"Good morning po." May mga sumalubong sa aming paniguradong caretaker ng orphanage dahil sa name tag nito, binati naman namin sila na may ngiti sa mukha.
"Hala, ginoo!" Unti-unti nawala ang ngiti sa mukha ko nang makitang maaligaga ang ginang na nasa harapan namin. Napalingon tuloy ako sa dahilan nang pagkaaligaga niya.
Kumunot ang noo ko nang makita ang isang itim na magarang sasakyan, bumaba ang mga sakay nito na halos lalaki.
"Good day po." Umawang ang labi ko, it was Lincoln! Wynter didn't tell us about this, hindi niya sinabing inimbitahan niya ang lalaki! I even saw Kiara beside the guy, na kaklase ni Wynter. She was pretty famous, lalo na sa campus.
Oh, God. She looks like a goddess!
Ngunit tuluyan na yatang kinapos ang hininga ko nang bumaba ang lalaking hindi ko halos mahagilap sa ilang araw. Naghaharumentado na naman tuloy ang puso ko! Remembering how he smiled at me last time.
YOU ARE READING
Lost, Lose (Loose Trilogy #1)
Mystery / ThrillerLost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everything will change because of that guy, who'll also change her perspective in life. Who'll go to fulfil...