Chapter 26: Loath
"It's your first day. How do you feel, Lisianthus?" Ma'am Elena asked me. She's the cousin of Marcus, who's also the principal of our campus.
Apat na araw na ang nakaraan mula ng bakasyon namin ng pamilya ni Ethane sa Zambales. It was all fun, and I got a reason to know Ethane.
"Excited na kinakabahan po," I said with full honesty.
Kagaya ni Marcus, magaan ang pakiramdam ko sa principal kahit pa mataas ang katungkulan niya sa campus. She's always been this smiley everytime. Alam mo 'yon, ang approachable ng aura niya.
"That's great to hear. Anyway, if you have such questions, don't be shy to ask the other teachers. Mababait naman sila." Tumango ako na may ngiti.
As of the moment, simula na ng enlistment for junior high and senior high school. Naka-civilian ako, pero may name-tag para makilala as intern. Inililibot ako ni Ma'am Elena on every office's, for me to get familiarize.
"Oh, sakto." Bumagal ang lakad namin nang masilayan namin si Sir Roman na mukhang gulat na makita ako. His brows knot, kaya napalunok ako.
He reminds me of Ethane in that kind of manner.
"Roman, good thing we see you." Hindi maalis ng guro ang paningin sa akin, I felt a bit awkward because of it. "Oh, she's Lisianthus Vezina. For sure naging estyudante mo na siya." Ma'am Elena introduced me to the teacher, hawak-hawak pa niya ang magkabilang balikat ko.
"Yes, and?" Suplado. Misteryoso.
"She's looking for a job, that's why in the meantime I allowed her to work here."
"For...? What reason?" This time, he seemed to be directly asking me a question.
Lumunok ako. Parang may on the spot interview ako! Samantalang hindi naman ako ginanto ni Ma'am Elena.
"For college po, kailangan ko po kasi mag-ipon." Ngumiti ako upang takpan ang kaba sa loob ko.
"Don't worry, Lisianthus. Sir Roman is nice, kapag may kailangan ka just tell him. Don't be shy!" Ma'am Elena let out a soft chuckle, which somehow covered the awkward atmosphere. "Anyway, I have to go. May kailangan pa akong asikasuhin sa office."
Hindi ko na tinignan pa si Sir Roman. Ma'am Elena smiled at me and left me behind. Bahagya akong yumuko sa gurong nasa harapan ko at naglakad na rin papalayo.
I just feel uneasy when he's around.
Nagtungo ako sa complex kung saan nagaganap ang enlistment, saktong nandoon si Wynter dahil nang malaman niyang nakapasok ako sa pagtatrabaho sa campus. Nagvolunteer siyang pumasok, para daw may makasama ako.
Kakagaling niya nga lang sa flight nila kahapon, pero heto siya wala pa masyadong tulog subalit sinasamahan na ako.
"Gusto mo empanada?" She asks.
Tumango ako sa kaniya na parang bata. Ngumisi siya at kinuha ang phone, para yata mag-order. Wala kasing bukas na canteen dahil nga bakasyon pa. Walang estyudante. Kaya more on online booking ang order sa pagkain.
Na-assign kami na asikasuhin ang mga portfolio na naglalaman ng requirements ng upcoming grade 12 students; such as, Birth Certificate, Form 137, and Barangay Clearance. For now, we're fixing the STEM strand. Magkakaroon kasi ng randomization, bale magkakaroon ng pagsasala kung sino ang nararapat para sa cream section.
Inabot na nga kami ng hapon sa pagsasaayos ng papel, nakapag-organize na rin kami ng ibang strands. May katulong naman kami sa pagsasaayos, kaya kahit papaano smooth ang flow namin.
YOU ARE READING
Lost, Lose (Loose Trilogy #1)
Mystery / ThrillerLost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everything will change because of that guy, who'll also change her perspective in life. Who'll go to fulfil...