Chapter 25: Promise
"Mag-start na ang work mo after a week now," tumango ako kay Marcus.
Ang bilis ng panahon at bakasyon na namin. Kapag babalikan ko ang panahon na isa pa akong ganap na grade 11, pakiramdam ko ang daming nangyari. Ang dapat pekeng pagkagusto ko lang kay Ethane, ay naging totoo. Ang pagkakilala ko sa ibang mga tao, na hindi ko naman nagagawa noon. It feels like, I'm slowly getting out of my comfort zone.
Well, I hate socialization. Wala kasi akong kumpyansa sa sarili, isa pa, hindi ko rin alam kung paano ko nga ba ie-express ang sarili ko sa iba.
"Sigurado ka bang, okay ka lang?" He asks, obviously concern.
Pagkatapos ang gabing iyon na isinugod namin si Mama sa hospital, wala akong ibang sinabihan na mga kaibigan ko. Bukod kasi sa hindi muna ako gumamit ng phone ko, wala rin talaga akong balak sabihin dahil baka mag-abala pa sila.
"Oo naman." Ngumiti ako sa kaniya.
I somehow felt, excited yet nervous at the same time. Panibagong environment kasi muli ang kakaharapin ko. Sabi naman ni Marcus, I'm just gonna work there while it's still school vacation. Kaya bale, makakapag-ipon pa ako para sa pangkolehiyo ko.
Sana lang talaga makapasa ako sa BSU (Bulacan State University) Para kahit papaano, walang tuition fee akong iintindihin. Mahirap din kasi maghagilap ng scholarship. Ang ilan kasi ay hinahangad na dapat at least 92 ang average. I honestly tried na higitan pa, pero utak ko ang sumusuko.
Sa sumunod na araw, dahil walang pasok. Nanatili lang ako sa bahay, para din mabantayan si Mama. Nakalabas na siya ng hospital, ngunit sabi ng Doctor na mabuting pagpahingahin muna namin siya at huwag hahayaang mapagod. Regarding sa naging gastusin sa hospital, si Tita Deszerie muna ang nagbayad habang tinulungan siya ni Ethane ukol dito.
Balak pa nga ng binata na siya na talaga ang umako, subalit pinigilan ko siya. Kahit pa ilang beses niyang sabihin na hindi niya ako responsibilidad, ayaw ko namang magkaroon ng utang na loob sa kaniya.
"Ayaw mo ba muna maglibot ngayong bakasyon mo, Lissy?" Nilingon ko siya.
Kakatapos lang ni Mama kumain, at heto kami ngayon sa kuwarto habang siya'y nakaupo at nakasandal sa kutson. Dito na rin ako kumain upang masabayan siya.
Nasanay yata siya na tuwing bakasyon ay naggagala kaming magkakaibigan upang pumunta sa dagat o kaya sa isang private resort. Umiling ako sa kaniya, wala naman kaming napag-usapan na ganito ngayon. Isa pa, nasa ibang bansa si Wynter habang bakasyon, si Juni naman ay nasa probinsya nila sa Cebu, habang si Marcus kasama ang pamilya niya sa Pandi.
Sa ngayon, may iba-iba kaming buhay na pinagkakaabalahan.
"Bakit mo po natanong?" I asked. Nagpatuloy ako sa pagligpit sa plato namin.
Ngumiti siya sa akin na kay tamis. "Natanong kasi sa akin nung morenong matangkad na kay guwapo. Manliligaw mo na 'yon, 'no?"
Agad nanlaki ang mga mata ko, dama ko ang pag-init ng pisngi ko sa akusasyon ni Mama.
"Hindi po..." Pero ano nga ba?
"Nye." She made a face. I pouted.
Sa totoo lang, naguguluhan ako sa status namin ni Ethane. Umamin na siya ng nararamdaman niya at sinabing bukas siya na makikilala ko siya. Ganoon na rin ba patungo 'yon? Ewan ko na! Naliligaw na ako!
"Pero alam mo, anak. Ang galang ng batang 'yon. Noong nakaraan, pinagpaalam ka niya kung puwede ka bang maging kapares niya sa social night niyo." Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang mukha. "Pasensya ka na, anak kung naging hadlang pa ako bigla." Bumagsak ang balikat niya.
YOU ARE READING
Lost, Lose (Loose Trilogy #1)
Mystery / ThrillerLost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everything will change because of that guy, who'll also change her perspective in life. Who'll go to fulfil...