Chapter 42

5.8K 104 8
                                    

Chapter 42: Trapped

Palubog na ang araw. Nilibot ko ang aking mga mata. Ang bilis ng tibok ng aking puso, tila ba nagkakarera ito sa loob ko. Wala na akong ibang maramdaman, kahit pa wala nang saplot ang aking mga paa, 'di alintana ang mga sanga aking natatapakan.

Tumatakbo ako sa madilim at walang kasigaruduhang kaligtasan sa kagubatan.

Gusto kong umiyak, humagulgol ngunit walang namumutawi na salita sa aking bibig. Buong lakas akong tumakbo papalapit sa isang malapad na puno. Agad kong sinandal ang aking katawan pagkalapit dito.

Hindi ko maiwasang mapahiling na sana ang mga kaganapang ito ay matapos na...

Nauuhaw na ako. Pinikit ko ang aking mga mata at hinabol ang sariling hininga.

Lumakas ang hangin at parang dinadamayan ako nito sa pagkalumbay. Unti-unti ay may nararamdaman akong dampi ng tubig sa aking balat.

"Hanapin siya!"

Sunod-sunod na pagyapak ang aking narinig. Niyakap ko ang aking sarili at sinusubukang labanan ang panghihina at takot. Yumuko ako at tinignan ang sariling puno nang dumi at putik sa katawan. Ang mga paa kong puno ng sugat. Kasabay ng pag-ulan ay ang pagtulo ng aking luha. Gusto kong pigilan, ngunit lalo lamang ako nanghihina.

Huminga ako ng malalim, unti-unting nawala ang mga yapak kanina. Ngunit hindi naman nawala ang pangamba sa dibdib ko. Hanggang nandirito ako... walang kasigaraduhan ang kaligtasan.

Isa, dalawa, tatlo. Sinubukan kong magbilang sa isipan kong umaasang kakalma ang sistema ko. Dahan-dahan akong humarap sa puno at buong lakas na sumilip kung nandirito pa rin sila.

Sinusubukan ko mang pakalmahin ang sarili, ngunit hindi ko magawa. Halos manlaki ang mata ko nang may maramdaman akong isang matigas at matulis na bagay mula sa sentido ko. Pabilis nang pabilis ang pagtibok ng puso ko.

"Nandito ka lang pala." Agad tumaas ang balahibo ko. Gusto kong tumakas, ngunit wala na akong lakas.

Napangiwi ako nang hawakan niya nang mahigpit ang aking buhok, dahilan upang mapadaing ako. Agad akong napatumba nang sipain niya ang aking likuran. Ramdam ko ang paglibot nila sa akin.

Parami sila nang parami. Nararamdaman ko na ang paglabo ng aking mga mata. Sinubukan ko silang aninagin, may dala silang mga armas habang may parang asong ngisi sa kanilang mga mukha.

"Lisianthus Yvonne Vezina." Halos mangilabot ako nang banggitin niya ang aking pangalan. "Kay gandang pangalan, lalo na kung nakapaskil na sa lapida." Tumawa siya.

Agad napayukom ang aking kamay. Gustuhin ko mang lumaban, pero 'di ko na kaya. Gusto ko nang sumuko.

Una pa lamang alam kong may posibilidad na mangyari ito, ngunit wala akong magagawa dahil nasimulan na. Marami nang nadamay, ang matagal din ang nasayang na oras.

"Paalam, Lissy. Hanggang sa muli."

Tuluyan na akong natumba nang sunod-sunod na sipa ang natanggap ko mula sa kanila, may matutulis na bagay pa akong naramdaman na pinalo nila sa aking katawan. Tanging pagdaing lamang ang aking nagawa.

Gusto kong lumaban, gusto kong umiyak, gusto ko humingi ng tulong... pero wala kahit isa.

"Tama na." Salitang gusto kong sabihin sa kanila, subalit tanging pagdaing na lamang ang aking nagawa.

Palakas nang palakas ang kanilang tawanan na malademonyo. Wala akong magawa kung hindi pakinggan at tanggapin ang pananakit nila.

Pabigat nang pabigat ang aking hininga, bumibigat na rin ang aking mga pilik-mata. Ngunit agad na may namutawing pag-asa sa sistema ko nang may maaninag na pamilyar na pigura sa 'di kalayuan.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now