Chapter 36

6K 114 9
                                    

Chapter 36: Betrayal

"I'm glad you came! I missed you!" Maliit akong ngumiti kay Wynter. Kumurap ako ng ilang beses nang bigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap.

Kakatapos lang ng duty namin sa eskuwela. Ngayon, niyaya kami ni Wynter na sumama sa kanila. I appreciate their effort waiting for us. Medyo na-late rin kasi kami, dahil pinag-overtime kami ng teacher ng ilang minuto para mag-print ng exam para sa mga bata. Dito na sila naghintay sa may gate ng school na ito. Kasama niya sina Isaiah, Amari, Juni at iba pa niyang kaklase. Nakaramdam naman ako ng puwang sa loob ko, bumagsak ang balikat ko nang hindi ko nakita si Ethane.

These past few days, tila nagiging ilag siya sa akin. Minsan nakita ko siya sa campus na animo'y may malalim na iniisip. Malalim ang mata, at hindi maipinta ang itsura.

"Sasama ka ba, Josaiah?" baling ni Juni kay Josaiah.

Humiwalay na rin naman sa akin si Wynter, kaya nilingon ko si Josaiah. Umawang ang bibig niya, at parang nag-aalinlangan sa itutugon. 'Di kalaunan, umiling siya at bahagyang ngumiti.

"I won't. But Marcus will do it." Bumaling ang atensyon ko kay Marcus na mukhang hindi inaasahan ang sagot ni Josaiah. Bumuka pa ang bibig nito na parang may gustong sabihin, subalit pinigilan na lang ang kaniyang sarili. "I have to go. Mag-ingat kayo."

Sinundan ko siya ng tingin. Suddenly, I felt a bit awkward through the atmosphere.

"Okay then, let's go."

Sabay-sabay kaming sumakay sa isang van. Wala akong ideya kung saan kami kakain. Nanatili akong tahimik sa buong biyahe, habang nagunguna naman sa kaingayan si Isaiah. Si Marcus ay katabi ko sa upuan. Hindi rin siya nagsasalita, siguro dahil pagod na rin mula sa work hours namin kanina. Narinig ko ang paghikab niya, kaya baka iyon ang dahilan.

Saglit lang din naman ang naging biyahe. Tahimik kaming sumunod sa kanila, si Wynter ang nanguna sa paglalakad Lahat kami'y pumanhik sa ikalawang palapag ng isang gusali. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Kung tutuusin, puwede itong lakarin mula sa amin, malapit lang siya. Bago lang talaga siya sa paningin ko. Kung sabagay, hindi naman kasi talaga ako palalabas ng bahay. Kaya tila isa akong turista sa sarili kong kinalakihang siyudad.

Italane, 'yan ang pangalan ng restaurant. Bigla namang sumagi sa isipan ko ang pangalan ni Ethane.

Pumekeng ubo ako upang takpan ang isipin na 'yon.

"Dito ka na, Lissy." Tinuro ni Juni ang puwesto ko. Tumabi sa akin si Marcus, ta's katapat ko naman si Amari na tila aligaga sa kaniyang paligid.

Isiniwalang-kibo ko na lang iyon, dahil tinanong na rin kami ni Wynter kung anong gusto naming kainin, pero 'di kalaunan, sila rin ang nagpasya at napagbotohan na lang din na iyon ang i-order. Pizza, at spaghetti. More on snacks daw kasi ang tinda rito. Subalit mayroon pa rin namang ulam.

"Gusto mo ba ng empanada?" Nilingon ko si Marcus na sumisipat pa rin ng pagkain sa menu. "Nakalagay kasi sa best-seller and recommendation." Sumilip na rin ako. "Order-in ko na, ah." Agad nagsalubong ang kilay ko nang hindi pa ako nakatutugon sa kaniya, ay nagdesisyon na siya agad!

Itinaas niya ang kamay niya, upang tumawag ng waiter.

"Huy, nag-iisip pa ako." Baka kasi mabusog ako masyado sa pagkain. Marami pa namang order si Wynter. Nginisian lang ako ng binata.

Lumapit ang waiter at mabilis sinabi ni Marcus ang dagdag na order.

"I-take out mo na lang." Nakangising saad niya.

Dumating na rin ang pagkain, na siyang kinaligaya ng lahat. Muling nabuhay ang dugo nila at nagkuwentuhan ng kung ano-anong bagay; experience nila sa immersion, reklamo sa isang teacher, hirap sa isang subject at etc.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now