Chapter 15

13K 297 91
                                    

Chapter 15: Obvious

'Peligro'

'Di na kailangang magtago,
hindi na maduduwag.
Ika'y tinawag,
ngunit ika'y lumalayo.

Aking napagtanto,
peligro nga ba ang tawag?
Kung ang pag-ibig ko'y totoo?

Tila ba isang bagyo.
Ang pag-ibig ko sa 'yo.

Pabugso-bugso.

Sa isang tula, pakiramdam ko'y patuloy akong nalulula sa pinapakita niya sa akin. Kailangan kong umiwas, kailangan kong lumayo dahil iyon ang nararapat.

Sinara ko ang binder ko kung saan nakaipit ang papel kung saan niya isinulat ang tula, his hand written is really something else. Well, everything about him pull me towards him.

"Atin tayo tutor mamaya, ah."

Agad kong nilingon si Juni na nakanguso na ngayon sa akin, parang nagtatampo dahil hindi ako nakaatin ng isang tutoring session. Apat na session na kasi ang nalungsad na, habang tatlo pa lang ang naatinan ko. Wala rin kasi ang magiging tutor ko, kada isa o tatlong estyudante mayroong isa pang estyudante na magtuturo.

Since math ang pokus, ABM at STEM ang head ng naturang programa.

"Kapag umatin si Freesia," pangako ko sa kaniya. Ang tutor ko naman ay mula sa ABM. She's actually approachable which made me feel comfortable around her.

Masuwerte nga ako dahil siya ang nagtuturo sa akin, mahaba rin kasi ang pasensya niya. Kumpara sa tutor na napadpad kay Juni na palagi raw siyang sinusungitan kapag nagkakamali siya.

"Paampon kaya ako? Nagrequest kasi ako kay Wyn na si Jameson ang tutor ko, eh." Bumagsak ang balikat niya. Dismiyado.

"Naiirita lang 'yon sa ingay mo." Si Arlo kasi na kaklase ni Wynter ang tutor niya.

Nagtataka nga lang ako kung bakit masungit siya sa dalaga. Sa pagkakakilala ko naman kasi kay Arlo, mabait siya at katulad ni Freesia, madali siyang pakisamahan.

"Arte, ah. Crush niya lang ako, eh!" Inilingan ko siya. Hangin!

During the break, hinatak ako ni Juni papuntang building nila Wynter. Naiilang lamang akong nakatayo sa tapat ng room nila, habang parang sasabog na ang puso ko sa kaba.

Kumaway sa amin si Wynter nang lumabas ito ng room. Pasimple kong sinipat ang loob ng room nila, upang makasiguro kung wala ba siya sa loob. Ilang araw ko na kasi siyang 'di nakikita, pero kalat naman sa campus na busy lang ang mga ito sa training. Kaya nga wala rin ang tutor ko sa session, dahil parte siya ng grupo nila Ethane.

"Nandiyan siya kanina, nagkasalisi yata kayo." Gulat kong tinignan si Wynter. Masyado nga ba akong halata? Inilingan naman niya ako at lumingkis na kay Juni.

Tahimik lamang akong nakasunod sa likuran nila.

Huminto kami sa main canteen, medyo maraming estyudante dahil nga sabay-sabay ang breaktime ng grade 12 and 11.

"Dito na lang tayo kumain, magsave na ako upuan. Maghiwalay muna tayo para bumili ng food!" suhestyon ni Juni na sinanggayunan namin ni Wynter. Wala si Marcus pero nangako naman siyang susunod siya.

Naghiwalay muna kami ni Wynter para makabili ng pagkain, isasabay na lang ni Wynter si Juni sa pagbili ng pagkain, dahil nga nagrereserba ng puwesto si Juni. Isa pa, kaya niya rin pinilit na kumain dito, sa kadahilanang hahanapin niya raw si Jameson. Kuntento na raw kasi siya sa sulyap lang, kailangan niya raw kasi ng motibasyon ngayong araw.

Dumiretso ako kung saan ang bilihan ng empanada, bagong puwesto ito na inintroduce sa akin ni Marcus. Kapag dinadalhan niya kasi ako, sa labas ng campus pa siya nakabibili.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now