Chapter 27: Distraction
"Papa..."
I feel so lost during that night, looking for the right path... I continued blurting Papa, kahit pa wala na siya sa paningin ko. I continued running, hoping that I could go out here, to find the light.
Hoping that someone can find me...
Basang-basa ako ng pawis. Mabigat ang bawat paghinga, habang may hikbing pilit na kumakawala sa bibig ko. Pumikit ako ng mariin upang patuluin ang luhang patuloy na dumadausdos sa aking pisngi. I also covered my mouth to keep those sobs. Dahil baka magising si Mama na natutulog sa tabi ko.
Akala ko ayos na ako? Pero bakit heto na naman at sumasagi ang gabing iyon.
Bumalik ako sa wisyo nang marinig ko ang alarm ng selpon ko, agad ko itong pinatay at namalayang alas cinco y media na pala ng umaga.
Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Kahit anong pilit na gawin ko, I can't just escape mentally on that night. Unti-unti akong bumangon sa pagkakahiga. Sa kabila ng lahat, dapat ayos lang ako sa paningin ng ilan.
This would be my second day in my work. Huminga ako ng malalim. Kailangan mo maging matatag, Lisianthus.
Inabala ko ang sarili ko sa pagluto ng pagkain namin ni Mama. Tatakpan ko na lang ito para may makain siya mamaya, habang wala ako. Hindi ko hinayaan ang sarili na walang ginagawa.
"Take a break, Lissy. Kanina ka pa raw nagtatrabaho." Ma'am Elena held my hand to stop me from walking.
Marami kasing nagpapa-enroll, at ang dami kong kailangan ilakad.
"Hey, you know we can't give you extra payment with that hard work." Bahagya siyang tumawa, pero agad ring humupa ang ngiti niya nang hindi ako nahawa sa tawa niya. "Are you okay?" Lumamlam ang tinig ng guro.
Banayad akong tumayo, this time I gave her a small smile to assure her that I'm okay.
Umalis muna ako sa complex upang magtungo sa canteen to eat my food, may tables and chairs naman kasi rito.
Hindi pa kami nakakapag-usap ulit ni Wynter, hindi rin siya pumasok ngayong araw. Alam kong dinadamdam niya rin ang sagutan namin noong nakaraang araw.
"Lissy." I faced the side when I saw a college intern approach me.
She's Ate Giale, an accountancy student. Ngumiti siya sa akin nang ilapag niya ang hapagkainan niya sa tabi ko.
Matagal ako ma-attach sa tao, bukod kasi sa 'di ko alam kung paano makihalubilo, hindi ko rin alam kung paano aakto.
"Akala ko hindi ka kakain, inaantay pa naman kita para may kasabay ako." She pouted.
I awkwardly smiled at her. Mabait naman si Ate Giale, sadyang 'di ko lang talaga alam kung paano siya kakausapin.
"Saka nga pala, nakasalubong ko kanina si Sir Roman bago ako magtungo rito." Sumubo siya sa kanin at ulam niyang menudo na binili niya yata sa carinderia sa labas ng campus. "Sabi niya, punta ka raw sa faculty," sambit niya habang ngumunguya. Puno pa ang bibig, kaya ako ang nahihirapan sa kaniya.
Somehow, she has a similarity with Juni. Parehas silang walang hinto ang bibig kahit pa may laman ang bibig.
"May sasabihin yata siya." Uminom siya ng tubig at tuluyan nang nalunok ang pagkain.
"May sinabi po ba siya kung bakit?"
Nagkibit-balikat siya. "Wala naman, sabi niya lang punta ka raw sa faculty." Tumango-tango ako.
YOU ARE READING
Lost, Lose (Loose Trilogy #1)
Mystery / ThrillerLost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everything will change because of that guy, who'll also change her perspective in life. Who'll go to fulfil...