Chapter 43: Collide
Life might be full of unexpected or connected challenges, hence at the end of the day. You can still breathe. Life might be painful, love might be risky. But the lessons we can learn can be the reason for us to be strong as a person.
Lumanghap ako ng sariling hangin habang nakatanaw sa palubog na araw dito sa dagat. Sunset truly represents how life works. Lumubog man ito, subalit sa tamang oras... magbibigay ito ng maliwanag na umpisa sa kapaligiran.
It was our second day staying here in Zambales with Ethane's family. All of them were heartwarming. Parang gusto ko pang tumagal, at mamalagi kasama sila.
"They're looking for us na."
Nilingon ko si Ethane na katulad ko kanina, nakatanaw rin sa araw. Ngunit 'di nagtagal lumingon siya sa akin at ngumiti. "Let's go inside, kain na tayo."
Tumango ako sa kaniya. He extended his arms to me, to hold my hand. Bumaling ang paningin ko sa pulseras na ibinigay niya. Seeing those made my heart flutter in beat.
Pumasok kami sa loob ng villa. Sa sala, nandoon ang mga nakababatang pinsan ni Ethane. Habang sa hapag naman ang mga Tita at Tito niya. Pansin ko ang dalawang lalaking hindi pamilyar sa akin na nakaupo na sa kanilang hapag. Humigpit ang hawak sa akin ni Ethane, at sinama ako papasama rito. Pinaghatak niya ako ng upuan, at naupo naman siya sa tabi ko.
"Does everyone here na ba?" Lumapit mula sa lamesa ang Mama ni Lincoln. Inilibot nito ang paningin sa mga tao sa lamesa, saka nilapag ang pagkaing hawak. "I guess, we're good to start?" Ngumiti ito.
Pinaglaruan ko ang sariling daliri sa ilalim ng lamesa. Nagsimula na silang magsandok ng kanilang pagkain. Ganoon din ang ginawa sa akin ni Ethane.
"Ikaw ang anak ni Paolo Vezina?" Aligaga akong tumingin, sa makisig na lalaki kanina na hindi pamilyar sa akin. He's wearing casual clothes. "I'm an attorney. Don't feel tense about us." Nakahinga ako kahit papaano ng maluwag, ngunit 'di pa rin matanggal ang kaba sa loob ko. Siguro dahil na rin sa aura niya.
I felt Ethane's hand on the top of my hand, he gently squeezed it.
"So as what we searched about, Elias Silvestre was using your dad's identity which was Roman Canstilleno. And as you've told us, he's been hiding for a decade then suddenly showed up with that identity."
Hindi ko magawang isubo ang pagkain sa harapan ko. Dahil sa mga impormasyong nakakalap. Isa sa rason kung bakit ako sumama rito upang sumanib sa kanilang plano.
"He's good at manipulating, all we need to do is to play with him. Do you have any plans in your head?" tanong ng kasama ng isang lalaki.
Sa gilid ng mata ko, tinignan ko ang kilos ni Ethane.
"I have. I understand his tactics," sambit ng binata. "All we need first is to know who's working with him. Therefore I have a list of who's with him."
"Can you drop some names?" Naglabas ng notebook at ballpen ang isang abogado, at seryosong tumingin kay Ethane.
Huminga ng malalim ang binata. "Governor Navarro, and Mr. Armalo." Tuluyang bumaling ang paningin ko sa binata. Kumurap ako ng ilang beses sa binanggit niyang pangalan.
Ang ama ni Josaiah?
"They're working under him, to protect him. Pero paniguradong hindi naman ito magpapailalim sa kaniya kung hindi niya ito binigyan ng alas, at pananakot." Ngumisi siya. "However, my Lola was also working under him. She already has dementia, kaya maaaring pinagkakamalan niyang ang Papa ko si Elias."
Umigting ang kaniyang mga panga.
"We did everything to give my family justice. However, the officials are being controlled by them. Ang mga pilit na lumaban sa kanila upang ilantalad ang katotohanan, ay tinakot upang itikom ang kanilang bibig."
YOU ARE READING
Lost, Lose (Loose Trilogy #1)
Mystery / ThrillerLost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everything will change because of that guy, who'll also change her perspective in life. Who'll go to fulfil...