Chapter 43: Revelation
"Lock her up," utos ng guro na siyang ginawa naman ng ilang bantay.
Mabilis nilang sinarado ang pintuan sa harapan ko. Yumuko ako at tinignan ang sariling lagay.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at sinubukang tumayo. Kinagat ko ang ibabang labi, habang pilit na tumatayo alay ang hamba ng pintuan. Hirap na hirap akong tumayo, dala ng bigat na katawan.
Buong lakas akong naglakad, habang naghahanap nang papalabas dito. Nanginginig ang aking tuhod sa bawat hakbang na ginagawad ko.
May nag-iisang bintana, na siyang sinubukan kong lapitan. Kada hakbang na gawin ko'y napapadaing ako. Sinubukan kong buksan ito. Subalit masyadong nanghihina ang katawan ko. Sa bintanang ito, napadpad ang mga mata ko sa labas kung nasaan ang sasakyan ng mag-amang si Wynter at ang Gobernador. Unang pumasok sa sasakyan ang dalaga.
Nag-uusap na ngayon ang dalawa; ang Gobernador, pati na rin ang gurong kinilala ko. Lumingon ako sa kalangitan. Tuluyang nang lumubog ang araw, at masyado nang madilim ang gabi.
Lumipat ang atensyon ko sa pagkaluskos ng pintuan. "Elvira." Napatingin ako sa pintuan. Siya ang ginang kanina na nagpupunas ng aking mukha. "Sumama ka na sa akin. Tatakas tayo." Bakas ang aligaga sa kaniyang tono. "Magmadali na tayo. Papatayin ka ng kapatid mo."
Nagtataka ko siyang nilingon, habang alayalay niya ako palalabas ng opisinang ito.
"Pinatay niya na ang pamilya niya, gayundin ang anak ko–ang nobyo mong si Roman." Bumagal ang bawat paghinga ko.
Inaakala niyang ako si Elvira... ang mga alaalang naalala niya ay ang nakaraan.
"Magmadali na tayo. Maabutan tayo ni Elias." Buong lakas akong sumunod sa kaniya.
Ibinaling ko ang atensyon, sa labas nitong opisina kung nasaan ang mga bantay kanina. Wala na sila rito.
"Dito tayo dumaan."
Malawak ang buong kabahayan na maituturing ng mansion.
Bumaba, tumakbo ang aming ginawa papaalis. Ngunit hindi pa kami tuluyang nakalalabas, kaya mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko sa kaba. Mas lalo itong bumilis nang makasalubong namin ang pamilyar na pigura.
Huminto kami ng ginang. Agad akong napalunok.
"Saan kayo pupunta?" tanong ng guro habang may ngiting nakapaskil sa kaniyang mukha.
"Paalisin mo na ang kapatid mo, Elias! Hayaan mo siyang mabuhay kasama ang anak nila ni Roman!"
"So you're referring to her as Elvira. Hindi na ba ako si Roman? Ang anak mo, Nay?" He said while smirking. Humigpit ang pagkakahawak ko sa ginang.
"Hindi ikaw si Roman! Wala akong anak na mamatay tao!"
"E 'di mabuti. Then I don't have any reason to symphatize you." I gasped when he pull a gun and pointed it at us.
Iniharang ko ang sarili sa ginang.
"Oh come on, stop playing as the hero, Lisianthus. I know you have a lot of dreams that you want to achieve. I won't pull a trigger, if you go back inside."
Kumakaba ang dibdib ko, sinubukan ko itong isawalang-bahala.
"I can click this, if you really want to die in a split second." He said as he pointed it out in my head.
"Wala ka talagang puso."
Tumawa siya sa saad ko.
"Go back inside, Lisianthus. I know you still want to see your parents. Follow my command. Habang kaya ko pang kontrolin ang emosyon ko." Dumilim ang kaniyang mga mata.
YOU ARE READING
Lost, Lose (Loose Trilogy #1)
Mystery / ThrillerLost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everything will change because of that guy, who'll also change her perspective in life. Who'll go to fulfil...