Chapter 21: Pag-iwas
"Kailan ka pa naging fan ng IV of Spades?"
Taas kilay na tanong ni Juni. Umupo siya sa upuang tabi ko. Napatunganga ako sa kaniya. The song that is currently playing is Mundo by IV of Spades. Ewan ko ba, wala naman akong hilig sa mga banda, pero dahil sa kinanta ito ni Ethane. Napantasya na rin ako rito.
"Don't worry! 'Di naman ako against sa pagkagusto mo sa kaniya. Si Wyn lang naman ang KJ!" she exclaimed.
Kung makapagsalita siya sa babae, akala mo hindi nakatira dito sa sinusulungan namin ngayon. Nasa apartment kasi nila ako, magtatapos kami ng activity.
"Anyway, ano nangyari sa inyo? Naalimpungatan lang ako, wala ka na sa tabi ko!" Sinamangutan niya ako.
Sumagi tuloy ulit sa isipan ko ang gabing magkasama kami ni Ethane. That night that feels so magical.
"Wala naman." I lowered my voice.
Suminghap siya. "Weh! Imposible. Walang kiss?" Sinamaan ko siya ng tingin. Kung ano-ano naman ang iniisip niya!
"'Di ako kaladkaring babae para mangyari 'yang nasa isip mo."
"Kahit na! Sabihin mo na kasi, para sabay tayong mag-iimagine." Siniko niya ako. Inilingan ko siya. "Pero seryoso. Anong naramdaman mo? May kilig factor ba siyang effect?"
Napaisip ako. Nililipad na naman ang isipan ko sa gabing iyon. Kung puwede lang talagang manatili sa ganoong gawi, baka nagawa ko na. Siguro kung may time machine lang, baka pabalik-balik na ako sa senaryong iyon.
"Okay lang." Nagkibit-balikat ako.
"Ang corny naman! Ang boring ng sagot, ah," usal niya. "Hindi ka pa ba niya nililigawan?" 'Di ako makasagot sa paratang niya. "Nye, edi wala ka pa rin palang panghahawakan, kung ganoon."
"Sabihin na nating alam mo na na may gusto siya sa 'yo, pero hindi naman niya mapanindigan." She stated which hits me. Dumagdag pa tuloy ito sa isipan ko. "Remember, he has a lot of friends. Think of the Maleficent that posted him on her feed? Baka mamaya, second option ka lang."
Honestly, I'm also wondering on how does he felt during that night. Parehas ba kami ng nararamdaman ng gabing iyon? O sadyang ako lang ang 'di magkandamayaw kapag nalalapit siya sa akin?
Subalit sa tuwing dumadalaw sa isipan ko ang mga salitang sinambit niya. Pakiramdam ko, ito'y tunay. Sa paraan na nagbigay ito ng kulay sa puso kong naglulupaypay.
On the next day, maaga akong gumising upang pumasok sa eskuwela. I braided my hair and put it on my shoulder. Lumapit din ako sa mga kagrupo ko, dahil inabisuhan din kami ng leader namin na agahan namin ang pasok.
Saktong kagrupo ko sa Practical Research si Niña na tahimik na nakaupo sa upuan. Group leader namin si Josaiah na pinapaalalahanan kami sa parts namin for the upcoming defense.
Mas nadarama ko tuloy ang papalapit na matapos ang school year namin as grade 11 students. Parang nakaraang mga araw, humahagos pa ako sa mga tambak na activities na iginagawad sa amin.
"That would be all. Good luck, guys. I know we will succeed in this." Josaiah gave us a sweet smile.
Sinundan ko ng tingin ang pagtayo ni Niña, hindi man lang niya ako magawang matapunan ng tingin. I tried to talk to her, but she seemed to be so distant. Tinanong ko na kung minsan sina Wynter, pero palagi nilang nilalandas ang paksa.
"Hi, you're Lissy right?"
Napahinto ako mula sa paglalakad. Mula kasi ako sa banyo. Kumulot ang noo ko sa lalaking nasa harapan ko, he's Isaiah. Kaklase rin siya ni Wynter, at kagrupo ni Ethane sa debate.
YOU ARE READING
Lost, Lose (Loose Trilogy #1)
Mystery / ThrillerLost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everything will change because of that guy, who'll also change her perspective in life. Who'll go to fulfil...