Chapter 18: Bakit ba?
"Stop staring at him, Lissy." Napabalik ako sa wisyo sa tinig ni Wynter sa likuran ko. "It's not helping. Nagkausap na tayo ukol dito, 'di ba?"
Tumindig ako nang maglakad na papalayo si Ethane. He's staring at the canteen, buying some food. Habang katabi niya si Jameson at Kiarra.
We've been dismissed earlier, may program kasing gagawin ang college. Mag-isa akong naglakad pauwi, dahil hihintayin pa raw ni Marcus ang kapatid niya. Habang sina Juni at Wynter naman, ay nagpaplanong pumunta ng mall.
Maraming estyudante akong nakasasabay.
I'm surprised seeing him standing here outside, saktong nakatayo siya sa tapat ng Xeroxan, some students would slow down just to see him. Wala pa nga siyang ginagawa, sadyang nakatayo lang siya ngunit heto ang taksil kong pusong patuloy na rumaragasa sa kaniya. Tila nabalewala lang, ang oras ko sa pag-iwas ko sa kaniya.
Dahil sa nararamdaman kong 'to.
Umiwas ako ng tingin, at sinubukang hindi siya mapansin. Nakatayo lamang ako habang naghihintay ng jeep. We're just distance to each other, but somehow I can feel his stares towards me. Ayaw kong mag-assume, ngunit iyon ang nadarama ko!
"Hey..." Lumunok ako nang marinig ko ang tinig niya. Huminga ako ng malalim, dahil imbis na umalma ang puso ko... mas lalo lamang itong nagwawala. "Yvonne."
May bumara yata sa lalamunan ko nang marinig ko ang pangalan ko sa kaniya. Unti-unti ko siyang hinarap upang masigurado kung tama nga ako ng rinig. Baka kasi mamaya nag-iilusyon ako.
Halos mapatalon ako, nang tama nga ako ng rinig. He's already staring at me with no emotions on his face. Paano ko ba siya maiintindihan kung palagi siyang ganito?
"Puwede ba kitang makausap?" Sumikip ang dibdib ko...
Kasi matapos ang ilang linggo nang pag-aabang ko kung tunay ba ang nararamdaman niya... O 'di kaya may meaning nga ba ang mga ginawa niya. Ang mga senyales na pakiramdam kong tunay; ang mga posts niya sa social media niya. Ang pagpaparinig niya. Ang pagbibigay niya ng paper flowers.
"Bakit?" Iyon lang ang tangi kong nasabi.
"I just wanna clear things out." Hindi niya pinutol ang pagtitigan namin. "Puwede ba?" maamo niyang sambit.
Kumurap ako ng ilang beses hindi makapaniwala sa naririnig.
Natagpuan ko na lang ang sarili na kasama siya sa katapat na cafeteria ng campus. Nanatili akong tahimik na parang batang hindi maimik. Bakit ba ako sumama sa kaniya? Ang plano ko ay umiwas at hindi mapalapit pa lalo!
"May iba ka pa bang gusto?" He asks while looking at the menu. Naalerto ako, at natauhan.
Ano ba 'tong iniisip ko?
Umiling ako. "Ayos na ako sa tubig, aalis din naman ako agad."
Tinignan niya lang ako na parang pinapakiramdaman.
"Ayaw mo ng mango graham?" maingat niyang tanong.
"Sawa na ako roon." Kita ko naman ang pagtango niya.
"Ang bilis mo pala magsawa," he mumbled. Kumulot ang kilay ko.
Why does it seem to be double meaning?
Umiwas siya ng tingin at binalik sa menu. He scratches his lower lip. Parang itong mannerism sa kaniya, and somehow my mind speaks for me that I find it attractive!
Kahit ano naman yatang gawin niya, nabibighani ako.
"How about bread with nuts?"
Kung may iniinom lang siguro ako, paniguradong nabuga ko na. I look at him in surprise.
YOU ARE READING
Lost, Lose (Loose Trilogy #1)
Mystery / ThrillerLost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everything will change because of that guy, who'll also change her perspective in life. Who'll go to fulfil...