Chapter 39: Agony
"Lissy, kumain ka na."
Hindi ako makatugon. Hindi ako makakilos. Hindi ako makaimik. Dahil ngayon, pakiramdam ko tuluyan na akong tinalikuran ng mundo.
"Saka nga pala, pupunta rito ang Tita Deszerie mo. Gusto niyang kumustahin ang lagay mo."
It's been a week already after all those incidents. Subalit tila nanatili na ako sa senaryong iyon at 'di na makaalis. Their words were already altered through my brain.
Malata kong nilingon si Mama na matiwasay na natutulog sa kaniyang higaan. I badly want to cry on her shoulders. Gusto kong magsumbong na parang bata.
Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Aling Jhoanna sa aking balikat. Bumaba ang paningin ko sa pagkain nakalatag sa harapan ko. Lumunok ako, at sinimulang sumubo ng pagkain. Sa kabila ng lahat, kailangan ko maging matatag. Kailangan kong ipakitang malakas ako.
Until another day has passed, just what Aling Jhoanna has stated. Dumating si Tita Dezserie. Sinalubong niya ako ng maraming tanong; kung kumusta na ba ako? Kumakain ba ako sa tama? Kung anong pakiramdam ko ukol sa kumakalat na isyu sa campus.
Mahigpit na hindi ito ipakalat, pero imposibleng hindi ito malaman ni Tita Dezserie kahit pa itago ko iyon sa kaniya. May sarili siyang paraan upang alamin ang mga bagay-bagay.
"You're turning 18, mabibisita mo na ang Papa mo."
Bumuntong-hininga ako. Isa ito sa dahilan kung bakit gusto ko pang magpatulog, gusto ko pang masilayan si Papa. Maranasan ang isang buong pamilya.
"Balita ko matatanggalan ka raw ng scholarship." Unti-unti kong binaling ang paningin kay Tita Dezserie habang pinoproseso ang kaniyang sinambit. Sinalinan niya ako ng tubig, at ganoon din ang ginawa niya sa kaniya.
"Po?" Kumunot ang noo ko.
Malungkot niya akong tinignan. Iyon ba ang kumakalat sa campus?
"Hindi po ba ikaw ang nagpapaaral sa akin?" takang tanong ko.
Umawang kaniyang labi.
"Gustuhin ko man na ako. Pero pinigilan ako ng Papa mo noong dinalaw ko siya noong panahong nakulong siya." Napatuptop ako ng bibig. "Nagprisinta ako sa kaniya na ako na ang tutustos ng pag-aaral mo, pero sabi niya sa akin, siya na ang bahala sa pagpapaaral sa 'yo."
Kumurap ako ng ilang beses. Nagsimulang tumakbo ang ilang katanungan sa isipan ko.
Umuwi ako ng bahay na iyon ang nasa isipan. Pinakiusapan ako ni Tita Dezserie na umuwi muna ako, upang makapagpahinga ako. Ilang araw na ako hindi pumapasok, dahil sa mga kumakalat na isyu ukol sa akin, bukod pa ang operasyon na gagawin kay Mama.
Sinuklayan ko ang sariling buhok, at sumimsim ng tubig dito sa kusina.
"Lissy."
Nagtataka akong lumingon sa pintuan, nang marinig ko ang sunod-sunod na katok ni Aling Jhoanna. Katulad ko, umuwi muna siya sa bahay nila upang mabantayan ang mga anak niya.
Inilapag ko muna ang baso at naglakad patungo sa pintuan upang pagbuksan siya ng pintuan. Maliit siyang ngumiti sa akin nang magtama ang mga mata namin.
"May bisita ka." Kumunot ang noo ko.
Gumilid siya, dahilan upang mapatingin ako sa kalsada. Mayroong nakaparkeng itim na sasakyan doon. Sa pamamagitan ng gilid ng mata ko, napansin ko ang pagsenyas ni Aling Jhoanna sa sasakyan. Bumukas naman ang pintuan nito na siyang kinalaki ng mga mata ko. Kumurap ako ng ilang beses, nang tuluyang bumaba ang sakay ng sasakyan.
YOU ARE READING
Lost, Lose (Loose Trilogy #1)
Mystery / ThrillerLost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everything will change because of that guy, who'll also change her perspective in life. Who'll go to fulfil...