Chapter 30

10.5K 173 17
                                    

Chapter 30: Bewildered

My eyes opened slowly. Dama ko ang ulo kong nakapatong sa isang balikat. Dahan-dahan kong iniangat ito.

Nagtama ang mga mata namin. My eyes widened in surprise. Agad siyang umiwas ng tingin. Pansin ko kung paano namula ang kaniyang tainga.

Pumekeng ubo ako upang takpan ang ilang sa pagitan namin. Inilinga ko ang mga mata ko. "Nasaan si Aling Jhoanna?" I asked him on a low voice.

Wala pa talaga akong lakas, masyado pa akong nanlalata mula sa kanina.

"Umalis muna siya to get some things for your Mom, and to look for her kids." I nodded at him.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya kina Aling Jhoanna at sa kaniya. They both have families to go with, but here they're taking care of us.

"I-ikaw?" Pumekeng ubo ako. "Hindi ka pa ba uuwi?" Pasimple ko siyang nilingon.

Nahihiya rin talaga ako sa kaniya, dahil sa mga sinabi ko noong nakaraang araw.

I told him that we should go back on what we used to be. Otherwise, it seems fate loves to play with us.

Napayuko ako at sinimulang paglaruan ang daliri.

"Uuwi naman ako... I can't just leave you behind—alone." Pumekeng ubo siya at tumingin sa kabilang gawi.

I bit my lower lip as I felt again my heart pace being crazy.

"Nakausap ko pala yung doctor kanina, while you're on the depth of thinking. Your mom still needs some rest, and they are doing some study." Suminghap ako sa kawalan. "If you want, I know some doctors. Puwede naman magpasecond opinion... if you want to."

Gustuhin ko man siyang tanggihan sa tulong niya, subalit gustong-gusto ko naman itong tanggapin sa katunayan na maaaring makatulong iyon kay Mama.

"Pag-iisipan ko."

Tumango-tango siya. Bakit ba imbis na malayo kami sa isa't isa? Mas lalo pa kaming napapalapit?

"Gutom ka na ba?" I looked at him, confused and surprised. Why would he suddenly ask me if I already ate? "It's already 7 in the evening, baka nalipasan ka na ng gutom."

Umawang ang labi ko, tuluyan yatang nagising ang diwa ko sa sinambit niya. Gaano ba kahaba ang naging tulog ko? Did he really wait for me to awaken?

Nakakahiya talaga!

"Okay lang naman ako. Baka hinahanap ka na sa inyo."

"I can't leave you like this, Yvonne." Muli akong napaiwas ng tingin.

I can't just resist those eyes! Lumunok ako. Why did I suddenly feel something tingling in my stomach?

"I'll order some food."

Muli akong napalingon sa kaniya. Bigla namang sumagi sa isipan ko na wala akong pangbayad sa kaniya ngayon! Wala pa akong suweldo!

"It's my treat. If you want to, ako na ang kakausap kay Ma'am Elena to excuse you for tomorrow, in case you didn't come to work."

Wala akong ibang masabi. Huwag ka magpapahulog, Lissy. Baka ginagawa niya ito dahil guilty siya at gusto lang bumawi!

"Hindi naman kailangan na gawin mo 'yon. Ako na lang magsasabi." Banayad siyang tumango.

"If that's what you want. By the way, I'll buy some food outside." Tumango ako.

He stood up, and left me behind. Pasimple kung pinanood ang likuran niyang papalayo sa akin.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now