Chapter 35: Sting
Maaga akong nagising sa pag-ubo ni Mama. Dinadaga ang puso ko habang nakikita siyang umuubo ng dugo. Rumaragasang pumunta rito sa bahay si Aling Jhoanna, upang tulungan kaming dalhin si Mama sa hospital. Mabuti na lang at tumulong na rin ang ilang kapitbahay namin na may tricycle.
Pakiramdam ko lumulutang ang sistema ko sa nangyayari. My heart feels like it has already sunk seeing my Mom's situation.
I watched the nurses, rashly checking my Mom's condition. Nakatayo lamang ako, at tila nanigas na rito. Walang ibang magawa. Pabigat nang pabigat ang bawat paghinga ko.
"Kailangan na raw talaga siyang maoperahan, Lissy." Tumabi sa akin si Aling Jhoanna. Nakatulala ako sa kawalan. Pakiramdam ko, bumagal ang takbo ng mundo.
Walang luhang lumalabas sa mga mata ko.
Basta ang tumatakbo sa aking isipan ay... saan ako hahanap ng pang-opera ni Mama?
Tumayo ako. I excused myself to go outside. Ang bigat ng dibdib ko. Gusto ko mang umiyak, upang kahit papaano mabawasan. Subalit walang lumalabas. Hirap na hirap na ako.
Gusto ko isigaw lahat ng galit, hinaing, sakit ko sa mundo. Una si Papa, at ngayon si Mama.
I'm losing all the important people in my life. Ang mga taong nagbigay muwang sa akin sa magulong mundo.
As I got outside, I felt the wind breeze embrace my skin. Tumingala ako sa kalangitan. Wala nang mga bituin, walang ibang nagniningning. Katulad nito ngayon ang nararamdaman ko, wala na akong ibang maramdaman. Ang tanging pakiramdam ko, naninirahan ako sa dilim. Pumikit ako ng mariin. Gusto kong maibsan ang sakit, pero paano? Kung sunod-sunod na bigat ang nararamdaman ko?
Kinabukasan, pumasok pa rin ako sa eskuwela. Pinilt ako ni Aling Jhoanna, at nagprisinta siyang siya na ang magbabantay sa kalagayan ni Mama. Gusto ko mang tumanggi, subalit masyado siyang mapilit.
Suminghap ako pagkatungtong sa eskuwela. Tinatak ko na lang sa isipan ko na... "My day doesn't end there."
Anytime soon, our immersion would start. Sa ngayon, ang STEM students ang nauna upang magsimula sa kanilang immersion. I think it would be better that way? Maayos na rin sigurong hindi ko muna siya makita ngayon, dahil hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kaniya. Pagod na akong magpanggap na ayos ako, kahit sa katunayan. Pagod na pagod na ako.
"Lissy, may gustong kumausap sa 'yo." Nanlalata kong hinarap si Juni. She gave me an assuring smile.
Tahimik akong sumunod ako sa kaniya. Hindi rin naman siya nagsalita, at tila ba ramdam niya rin ang pagiging wala ko sa wisyo. Huminto kami sa likuran ng STEM building, at doon ko natagpuan si Wynter na nakaupo sa isang gawa sa sementong upuan.
Agad siyang tumayo, at animo'y naalerto nang makita ako. Maliit siyang ngumiti sa akin, at inayos ang kaniyang maikling buhok.
"Lissy," tawag niya sa ngalan ko.
"Iwan ko muna kayo," bulong sa akin ni Juni mula sa likuran ko. Tinapik niya ang aking likuran. Lumingon ako sa gawi niya at pinanood ang kaniyang pag-alis.
Ngayon, tanging ako at si Wynter na lang ang naiwan dito. Humugot ako ng isang malalim na hininga. Hinarap ko ang dalaga. Lumawak ang kaniyang ngiti. Sinenyas niya ang kamay niyang lumapit ako na siyang aking ginawa.
I sat beside her. And honestly, I didn't feel eased beside her. It feels awkward. Siguro dahil na rin sa nagkaroon kami ng hidwaan.
"I know. I'm aware that I did bad things to you. Pasensya na kung nasabihan kita nang masasakit na salita." Pasimple ko siyang nilingon. Nakatanaw siya sa malayo. "Gusto kong makipag-ayos sa 'yo. Napag-isip-isip ko na, ano bang saysay ng pag-aaway natin?" She smiled at me. The usual smile she always gives; her sweet smile.
YOU ARE READING
Lost, Lose (Loose Trilogy #1)
Mystery / ThrillerLost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everything will change because of that guy, who'll also change her perspective in life. Who'll go to fulfil...