Chapter 28

7.9K 134 19
                                    

Chapter 28: Ceilings

If only I could pay for a perfect life, then I would. Neither else, money and destiny were my enemies.

"Dagsa ang enrollees ngayon, pagod ka na ba?" Umiling ako kay Ate Giale.

Both of us were again assigned to fix some papers for the enrollees. Nakita ko na nga ang ilan na former classmates ko.

"Have you seen him?"

I suddenly stopped. Wala naman siyang binanggit na ngalan, subalit naging rason ito upang mapatigil ang pagtakbo ng sistema ko.

I haven't heard anything from him for the past few weeks. Ang huling balita ko ay lumipad sila sa ibang bansa upang magbakasyon. Sinabihan naman niya ako ukol dito. Otherwise, he still distant about me.

"Oh, wait. Is that supposed to be surprising?" Ate Giale sounds confused. Nilingon ko siya, she covered her mouth as if she said something she shouldn't. "OMO. Just act like you're surprised na lang kapag nakita mo siya."

Ate Giale and Ethane were close to each other as they're both part of the debate organization. Naglakad ako patungo sa kabilang lamesa, not minding what she stated. Ang nakatanim lang muna sa isip ko ngayon, ay matapos ang trabahong mayroon ako. However, I felt her steps following me.

"OMG, I didn't know. I'm really sorry," pahina-hinang turan niya.

Hindi ako masyadong tumutugon sa kaniya.

"Wait, are you mad? O sadyang nahawaan ka lang ng variant ni Ethane na nonchalant?" Inilingan ko siya.

"Lisianthus."

Saglit kong hinarap si Ate Giale. She smiled at me, and nodded, signaling me to go to Ma'am Rhoane who just called me.

"Paabot naman kay Ma'am Elena, nasa office niya siya ngayon." She handed me a bunch of envelopes.

Agad ko naman itong sinunod at nagtungo na sa opisina ni Ma'am Elena. Naabutan ko ang guro na tutok ang mga mata sa screen ng kaniyang laptop. Saglit niya akong minata, kasama ang bitbit kong mga folders.

"Hi, 'yan na ba ang pinaabot ni Ma'am Rhoane?" sambit niya na hindi inaalis ang paningin sa screen.

"Yes po." Tumango ako, kahit pa hindi naman niya kita.

"Palapag na lang sa upuan, Lissy. Thank you." Sinunod ko ang sinabi ng guro at maingat itong inilapat sa upuang tinukoy niya. "'Saka nga pala, nagbreaktime ka na ba?" she randomly asked.

I bit my lower lip. Still shy of being approached by her. Kahit naman kasi approachable siya, and always telling me to treat her as an older sister. I just can't since she's one of the principals of this campus!

"Magsasabay po kami ni Ate Giale."

She slowly nodded while still fixing her eyes on the screen. I felt so awkward standing in front of her table, waiting for her signal for me to leave.

Napakamot ako sa ulo ko. "Ma'am may kailangan pa po ba kayo?"

Muling umangat ang paningin niya sa akin. She smiled at me sweetly, and shook her head. "Wala naman na. Thank you ulit. You can go now."

I bowed my head to her as a sign of respect and left her office. Mabilis akong naglakad sa hallway. Tanghali na kaya mainit na ang paligid, kumulot ang kilay ko nang lumingon ako sa labas. May ilang naglalakad na naka-civilian na estyudante na paniguradong mag-eenroll ngayon.

Binalik ko ang paningin sa hallway. Here I am again being irritated by the heat. Suddenly, I stiffened for the meantime when I saw a familiar figure walking towards my direction.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now