Chapter 11

13.9K 263 27
                                    

Chapter 11: In Denial (stage)

"You're at risk, hulog ka na sa kaniya," makahulugang sambit ni Wynter.

Admit or deny it... it's like a defense mechanism. Para akong nasa pagitan ng dalawa.

Umiba ang paningin ko kay Wynter. Umiling lamang siya at bumaba ang paningin sa Chemistry book niya. Saka ko lang napagtanto na nakatitig na pala ako kay Ethane. He's with Isaiah and Amari. Here at the library.

Honestly, there's a part of me that I'm jealous that they're freely be close to Ethane. Pansin ko kasi na parang ang hirap niyang abutin, intindihin, at kilalanin.

"Let her, girl. Minsan na nga lang umibig. Kaya pagbigyan na siyang umigib," I don't know if Juni is defensing me, it seemed like she's adding fuel to the gas.

"What do you mean umigib?" Niña asked in confusion, because of the term used.

Umayos naman ng upo si Juni, at prenteng hinarap si Niña. "May sarili na siyang septic tank, pero heto pinipili pa rin umigib sa poso. Pinapahirapan pa ang sarili!" Suminghap ako sa kawalan.

"Pero seryoso. Do you really like him? Like kinikilig ka ba kapag nakikita siya?" she asked. "If that so, then you're putting your heart at risk. He's a Silvestre, Lissy."

Tinignan ko silang dalawa, they had serious faces, na minsan ko lang makita sa kanila na siyang kinababahala ko ngayon.

"Malay mo naman kaapelyido lang!" depensang usal ni Juniper.

Umiling naman si Wynter. "Imposible. Kamag-anak niya si Lincoln. Isa nga 'yon sa dahilan upang umingay ang pangalan niya," patuloy niya. "Dahil bitbit niya ang apelyidong Silvestre."

Sumandal ako sa armrest ko, and to remove that thought... I took my phone to scroll through my feed. But I just found myself stalking his account. He's like a negative magnet that I easily attract. By stalking him, parang unti-unti ko siyang nakikilala. I've noticed that he rarely shared a meme, maliban na lang sa dump account niya.

Some of his posts are more about his opinions and rants. He's too vocal about it. Kaya rin siguro he's a debator; he's good at expressing his feelings. They had a lot in common with Amari. . . They are a perfect match, lalo na't they almost had the same interest.

I heard a lot of them... on how there's a possibility that they probably had a thing. Kung ako naman nasa posisyon sa isa sa kanila, paniguradong hulog na rin ako. Wala naman kasing maiipintas sa dalawa... they're too ideal.

However, kahit aktibo siya sa internet. Nakukuryoso pa rin talaga ako sa pagkatao niya. Wynter is right, he's a Silvestre. After all, I shouldn't feel this way.

Suminghap ako. I'm thinking a lot again. . . I'm thinking about him, that's supposed to be not to. Marami dapat akong ibang pinoproblema, pero nangingibabaw siya. He's a problem for me, kahit wala pang ginagawa ang tao. I don't like him, sadyang lagi ko lang siya nakikita at naririnig. Ganoon siguro?

. . .

"Lissy, start na ulit tayo."

I turned my attention to Josaiah. Ang bilis ng araw and here we are busy preparing ourselves for the short film. February na kaya maraming programang nilalaan ang campus, para ma-showcase rin ang talent ng mga estyudante.

Sumunod ako sa lalaki. Pinakabisa niya na sa amin ang lines, 3 days ago. Masyado siyang hands-on at perfectionist. Halata sa kaniya na he's aiming for the championship. Mahaba-haba nga lang ang lines ko dahil main role ang iniatas sa akin.

"Ganda lahat ng shots! Kahit against the light, kita pa rin kagandahan ni Lissy."

Inirapan ko sila, mga nambobola pa, eh. Kakatapos lang namin sa ilang scenes. Kaya hinayaan muna kami ni Josaiah na magpahinga saglit.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1)Where stories live. Discover now