Poem 14 - Pag-ibig na di inasahan

1K 18 0
                                    


"Pag-ibig na di inasahan"


Nais ko lang talagang malaman
Kung bakit sa lahat ng nilalang
Ikaw ang nag-iisang tao
Na minahal ko ng todo

Hindi ko naman makontrol
Damdamin kong nagkabuhol-buhol
Kung totoo talaga ito
Na puso ko'y para sayo

Di ko kasalanan na minahal kita
Siguro nadala lang ako sa salita
Na nagmula sa iyong pagwika
Pero pasensya dahil sinisinta kita talaga

Siguro hanggang dito nalang
Ang pagmamahal kong ito,
Na sinubok ng panahon
Lumubog sa damdamin at di na umahon

Pero salamat dahil ngayon,
Unti-unti kitang kakalimutan
Hanggang mapunta sa kawalan
Ang pag-ibig kong di inasahan.

-For her ❤

PoemsDär berättelser lever. Upptäck nu