Poem 35

546 7 0
                                    

"Chance"

May chance pa kaya itong nararamdaman
Na ito'y iyong pahalagahan
Dahil hindi ko lubos na maisip
Na ako'y mabigyan mo kahit mumunting pag-iisip

Ang tagal nang tinago
Nitong damdaming bugso
Hindi mawari kung bakit
Ika'y laging nasa isip

Pero may chance ba ito?
Itong pag-ibig ko sayo
Handang isakripisyo
Buhay man at prinsipyo

Ikaw ang inspirasyon
Ikaw ang naging determinasyon
Sa pang araw-araw kong buhay
Na ginawa mong makulay

Pero may chance nga ba?
Na ako'y iyong makilala
O hanggang tingin lang ba
Ang aking makakaya.

PoemsWhere stories live. Discover now