Poem 50

346 6 2
                                    

"Wala na"

Unti-unting naglalaho,
Walang tigil sa pagbago.
Ang nangyari dati,
Sa puso mananatili.

Hindi man maibabalik
Ang dating pagsasama,
Umaasang bumalik,
Ang dating pagpapahalaga.

Walang tigil sa pagpatak,
Mga luhang lungkot ang tatak,
Wala nang magagawa pa,
Ito na ang paglisan niya.

Ang dating pagsasama
Naging katapusan na,
Ang dating kasiyahan,
Naging kalungkutan na.

Ang sarap balikan ang ala-ala,
Walang lungkot,  laging tumatawa.
Pero ito'y ala-ala nalang pala,
Dahil hindi na ito maibabalik pa

Ang dating pagsasama wala na
Nagbago na lahat pati sila.
Ano pang magagawa mo?
Kung talo ka na sa umpisa

"Ayan ka na naman" ang sabi niya,
Pero masisisi ka ba niya?
Kung tuluyan ka nang nagbago,
At pati narin siya ?

Lumalabo na lahat-lahat,
Kahit anong gawin mo ay di sapat,
Di mo na mababalik pa and dati,
Dahil ikaw lang naman ang talo lagi.

O kaibigan nasan ka na?
Nasan na ang dating pagsasama?
Marahil kasalanan ko ito diba?
Ako lang naman palagi ang masama.

Kahit anong iwas ko,
Kahit anong gawin ko,
Walang maitutulong ang ginagawit
kong ito,
Winawasak parin nito ang damdamin ko.

Kung pwede lang sana maibalik,
Kung pwede lang sana maulit,
Pero hindi na maaring maulit at mabalik,
Dahil ito na ang huling awit.

Masasayang ala-ala nalang ang baon mo,
Sa daang mag-isang tinatahak mo.
Wala na ang dating taong maasahan mo,
Binago ng tadhana't panahon.

Balang araw magiging ayos ang lahat,
Balang araw magiging masaya ka ulit,
Pero gawin mo lang dapat,
Para puro kasiyahan ay nasayo lahat.

Napapa buntong hininga,
Wala na talagang pag-asa
Tanggapin na lang ang magagawa mo,
Para di ka pa masaktan ng husto.

Natigil na ang kwentuhan,
Wala narin ang dating asaran
Ang masasayang dating usapan
Narating na ba ang hangganan?

Ito na siguro ang katapusan,
Ito narin siguro ang hangganan
Sa ilang buwan mong paghihirap,
Ito na ang huling kaakibat.

Sa pagtatapos ng tulang ito,
Walang tigil parin sa pag patak ng luha ko
Anong magagawa ko sa kagagohang ito?
Kung labis akong nalungkot at sinaktan ng mundong ito.

💔

PoemsWhere stories live. Discover now