Poem 69

262 7 1
                                    

"Hindi nila alam"

Nakangiting malungkot
Nakangiting puot
Walang nakakaramdam
Ng iyong sakit at galit
Ikubli ang damdamin
Itago ang totoong nararamdaman
Wag mo nag pilitin
Wag mo nang sabihin
Manatiling tahimik
Hayaan ang damdamin
Wag mo silang isipin
Wag mo silang bigyan ng pansin
Wala naman silang ibang ginawa
Kundi wasakin ang puso mo't diwa
Kalimutan mo nalang
Hayaan mo nalang
Masyadong nang masakit
Ang lahat ng naranasan mo
Mga naranasan mo sa mga tao
Mga taong naging malaking parte
Malaking parte ng buhay mo
Lalo na rin sa wasak mong puso
Wasak, wasak na wasak ang puso
Mabubuo pa kaya ito?
Tama na
Tumigil ka na
Manahimik ka na
Kimkimin ang lahat
Itago ang katotohan
Ngumiti kahit anong sakit na
Tumawa kahit anong hapdi na
Dahil hindi naman nila alam.

PoemsWhere stories live. Discover now