Poem 98

208 2 0
                                    

Nandito Lang Ako

Nandito lang ako para sa'yo
Dadamayan ka sa lahat ng gulo
Sasamahan ka sa delubyo
Hindi ka iiwan, pakatandaan mo

Nandito lang ako para sa'yo
Hindi ka nag-iisa sa mundong ito
May kasama ka sa lahat ng ito
Sasamahan ka sa kahit anong bagyo

Huwang mong isipin ika'y nag-iisa
May kasama ka sa lahat ng problema
Tutulungan ka sa pag solusyon dito
Dadamayan ka sa hinaharap mo

Nandito lang ako kaibgan
Wag kang mawalan ng pag-asa
Nandito lang ako iyong maasahan
Handa kang tulungan sa kahit ano man

Nandito lang ako para sa'yo
Sasama sa mga laban mo
Magiging sandalan mo
Hindi ka iiwan sa mundong ito

PoemsWhere stories live. Discover now