Poem 99

208 2 0
                                    


Palihim

Milyon-milyong tao sa mundo

Ikaw lang ang gusto ko

Ikaw lang ang nasa puso

Sa'yo lang nagkakaganito


Ikaw ang pinili mula sa karamihan

Papasayahin ka sa ano mang paraan

Magpapangiti sa'yo ng todo

Sa'yo lang ako naloloko


Talaga bang nahulog na ako sa'yo?

Hindi ko alam kung paano

'Di ko alam kung ba't nangyari 'to

Pero ang nararamdaman ko ay totoo


Nakakahumaling iyong mga ngiti

Ginuhit ng pag-ibig sa'yong labi

'Di maiwasang ako rin mapangiti

Lubha kang kaakit-akit


Tuwing pinagmamasdan ka sinta

May nararamdaman akong kakaiba

Ikaw lang sakin ang nakakagawa

Ikaw nga ay kakaiba


Sana ay may lakas ng loob akong sabihin

Itong mga nakatagong damdamin

Pero ako'y natatakot sa iyo ay sabihin

Na mahal kita ng palihim

PoemsWhere stories live. Discover now